HINDI pa man nagsisimula ang kanilang kampanya para sa target nilang ika-6 na sunod na Philippine Cup title, magkakasunod na ang inaabot na problema ng San Miguel Beer.
Ang pinakahuling dagok para sa Beermen ay ang pagka-injured ni Marcio Lassiter na sinamang-palad na nagtamo ng ‘fractured nose’ tatlong linggo bago magbukas ang PBA Season 45.
Aksidenteng nasiko ang Fil-Am sniper sa tuneup game ng Beermen kontra Rain or Shine nitong linggo.
Dahil dito, hindi siya n a k a l a r o s a k a n i l a n g preseason game kontra NLEX sa Phoenix Super Basketball .Ang nangyari kay Lassiter ay kasunod ng pagka-sideline ni ace center June Mar Fajardo na nagtamo ng complete fracture sa kanyang right tibia.
Walang kasiguruhan kung kailan makakapaglarong muli si Fajardo para sa Beermen.
Para naman kay Lassiter, umaasa itong makapaglaro p a r a s a S a n M i g u e l s a kanilang unang sabak sa Season 45 kontra Magnolia sa Marso 8.
-Marivic Awitan