TSISMIS noon, totoo na ngayon.
Pormal nang isinumite sa PBA Commissioner’s Office ang naunang ‘tsismis’ na 3-team trade na isinusulong ni TNT consultant at Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel para makuha ang serbisyo ni big man Poy Erram mula sa NLEX.
Bukod sa NLEX at TNT, kasama rin sa nasabing d e a l a n g k o p o n a n n g Blackwater.
Para malipat si Erram sa TNT, ibibigay ng KaTropa si center Marion Magat at isang future first round draft pick sa Elite kapalit ni veteran forward Anthony Semerad at dalawang future first-round picks nito.
Mula sa Elite kung saan naglaro si Erram mula 2014- 2018, ibibigay siya sa TNT kapalit ni Ed Daquioag at isang first-rounder.
Ang pagbabalik ni Erram s a T N T a y i n a a s a h a n g magpapalakas sa frontline n g T e x t e r s k u n g s a a n makakahanay niya sina Troy Rosario, Kelly Williams, Harvey Carey, Ken Bono at Frank Golla.
Sa kaugnay na balita, nagkasundo na rin si Bobby Ray Parks at ang TNT sa isang taong extension ng No. 2 pick sa 2018 PBA Rookie Draft.
K i n u m p i r m a n i T N T team manager Gabby Cui ang naging kasunduan ng magkabilang kampo nitong Lunes.
-Marivic Awitan