ITATAMPOK ng K-pop superstars BTS ang feature Grammy nominee na si Sia sa kanilang upcoming album Map of the Soul: 7 na nakatakda nang i-release sa Feb. 21.

BTS

Inilabas na ng grupo ang tracklist ng kanilang album, kung saan kabilang ang 20 songs kasama ang awiting ON. Bahagi ng album ang 15 brand new songs at tracks mula sa “Map of the Soul: Persona” na inilabas noong April last year.

Makakasama ng grupo sa ON si Sia para sa exclusive digital version ng album. Nakatakdang i-release ang kanta sa Feb. 21 para sa promotion sa North America na susundan ng release sa South Korea sa Feb. 28.

Tsika at Intriga

Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Isa naman sa songwriters ng “ON” si Melanie Fontana, na co-writer ng BTS’ hit track last year na Boy with Luv featuring Halsey, na kinilala na most viewed music video sa loob ng 24 oras sa YouTube na may 74.6 million hits.

“I co-wrote it. It was a blast and I’m so honored beyond words,” pagbabahagi ni Fontana. Isa namag kinetic manifesto film para sa “ON” ang ilalabas sa Feb. 21 habang sa Feb. 28 ilalabas ang music video nito.

Bukod naman sa “ON,” bahagi rin ng kanilang album ang Intro : Persona, Boy With Luv (Feat. Halsey), Make It Right, Jamais Vu, Dionysus, Interlude : Shadow, Black Swan, Filter, My Time, Louder than bombs, UGH!, 00:00 (Zero O’Clock), Inner Child, Friends, Moon, Respect, We are Bulletproof : the Eternal, Outro : Ego at ON (Feat. Sia).

-Jonathan Hicap