CHICAGO ( A P ) — Emosyunal ang kapaligiran b i l a n g p a g g u n i t a s a namayapang si Kobe Bryant, ngunit nang magsimula ang aksiyon, punong-puno ng tikas ang bawat galaw at bawat isa ang may matinding paghahangad na magtagumpay.

Sa huli, si Anthony Davis ang tinaguriang ‘hometown hero’ sa naisalpak na game-winning free throw.
Kung nanonood si Bryant — isang matinding competitor — sa kanyang kinalalagyan, tiyak na kalulugdangan niya ang kaganapan.
“That was pretty damn fun,” pahayag ni James.
Sinandigan ni Davis ang Team LeBron sa 157-155 panalo kontra Team Giannis sa krusyal na tira sa free throw.
Sa saliw ng pagbubunyi ng mga kababayan, namintis ni Davis, ipinanganak at lumaki sa Chicago, ang unang free throw, ngunit hindi hinayaang maudlot ang pagdiriwang sa kanyang
kinalakihan para sa gabuhok na panalo – pinakadikit na resulta mula noong 2010 nang gapiiin ng Eastern Conference at Western Conference All- Star, 141-139.
Hataw si Kawhi Leonard, tinanghal na MVP, sa naiskor na 30 puntos, habang kumana si James — ang team captain — at Chris Paul ng tig-23 puntos at tumipa si Davis ng 20 puntos.
Nanguna si Giannis Antetokounmpo, team captain, sa kanyang koponan na may 25 puntos, habang nag-ambag sina Kemba Walker ng 23 puntos, Joel Embiid na may 22 at Rudy Gobert na may 21.
“I told my team I was going to miss the first one to put a little more pressure on myself here at home,” pahayag ni Davis.
Suot ng Team James ang blue jerseys na may nakalimbag na No.2 bilang pagpupuigay sa anak ni Bryant na si Gianna na kasama niya nang aksidenteng bumagsak ang sinasakyang eroplano. Kulay pula ang jersey ng Team Antetecoumpo at may nakalimbang na No.24 – ang numero ni Bryant sa Los Angeles Lakers.
“His presence was felt,” sambit ni James.