OPISYAL na ang pagiging Kapuso ni Myrtle Sarrosa. Ito ang kinumpirma sa amin ng isang senior talent manager ng GMA Artist Center (GMAAC) tungkol sa paglipat ni Myrtle sa GMA Network.
Her contract with GMA Artists Center (GMAAC) commences yesterday, February 16 at simula rin kahapon, magiging bahagi na nang lumalaking pamilya ng GMAAC ang former housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 ng ABS-CBN.
Ang 25-year old Iloilo City lass ang latest Kapamilya star na tumawid sa bakuran ng Kapuso Network.
Naispatan namin si Myrtle sa compound ng GMA last February 11 at ayon sa source namin, nag-audition daw si Myrtle sa Voltes V: Legacy live action remake na ididirehe ni Mark Reyes.
Taong 2012 nang magsimula ang showbiz career ni Myrtle sa bakuran ng Kapamilya Network. Hinirang siyang grand winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.
Kilala rin ang dalaga bilang cosplayer, singer, composer, disc jockey at dancer.
Pumirma siya ng record deal sa Ivory Music & Video (Sony Music Philippines) nu’ng 2016 at nag-release siya ng major-label debut studio album, Now Playing: Myrtle kung saan binigyan ito ng Gold Record Award ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) for its outstanding album sales.
Ang greatest achievement ni Myrtle ay nu’ng magtapos siya sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communications sa University of the Philippines Diliman at nasungkit niya ang latin honor na cum laude nu’ng June 25, 2017.
-LITO T. MAÑAGO