MAS matikas at solid na Gilas Pilipinas ang haharap sa Indonesia para sa 2021 FIBA Asian Cup qualifiers sa Pebrero 23 sa Britama Arena sa Jakarta, Indonesia.
Handan ang koponan ni coach Mark Dickel, ngunit naantala ang unang sabak ng Gilas sa Thailand sa opening game ng Asian qualifiers dahil sa coronavirus outbreak.Ngunit. ang pagkaantala ay nagbigay nang mas mahabangpanahon sa Pinoy cagers para makapaghanda.
Magandang pagkakataon din ito para mas lalo pang maging mabangis ang kanyang tropa dahil may sapat na panahon ito upang makapag-ensayo at makabuo ng chemistry.
“I think it’s a good thing, you get more time to r¬eally have everybody understand what their roles are, what is expected and what they’re gonna do out there,” pahayag ni Dickel.
Determinado ang Gilas Pilipinas na makalusot sa Asian qualifying.
“Any time you get more days to do that, the games are gonna look better so. I’m happy about it. We get two or three more days to prepare so we just gotta take advantage of those days,” aniya.
Bagong pasok pa lang sa Gilas Pilipinas pool ang ilang manlalaro gaya nina Vic Manuel, Abu Tratter at Javee Mocon na hu-malili kina Christian Standhardinger, Japeth Aguilar, Matthew Wright at Mac Belo na may kani-kanilang kadahilanan.
Magandang pagkakataon ang mahabang panahon na ensayo para mas maging solido ang galaw ng Gilas Pilipinas
“Whenever that game is, we’ll definitely be ready. We’re not gonna be unprepared coming into any of these games,” deklara ni Dickel.