SA pagsapit ng kalagitnaan ng taon, inaasahang papalo na ang populasyon ng Pilipinas sa 108.7 milyon, sinabi ng Commission on Population (Popcom) nitong nakaraang Biyernes, kasama ng pagbanggit sa datos ng Philippine Statistics Authority. Sa pagitan ng 2019 at 2020, tumaas ang populasyon ng 1,483,828—1.38 porsiyento.
Mabilis ang naging pagtaas sa bilang ng mga nasa senior age group—60-anyos pataas—kumpara sa ibang grupo. Tumaas ito ng 4% mula noong 2015 hanggang 2020 at ngayong sumasakop sa 8.8 porsiyento ng kabuuang populasyon. Kabaliktaran nito, bumaba naman ang nasa grupo ng 0—hanggang 14-anyos mula 34% noong 2010 hanggang sa 30.14% ngayong 2020.
Inaasahang aabot ang pambansang populasyon sa 115 milyon pagsapit ng 2025. Mas mabagal ito kung ikukumpara sa naunang pagtataya na 109.9 milyon. Sa 38.7%— halos dalawa sa bawat limang Pilipino—ang maninirahan sa mega-region ng Metro Manila, Cetral Luzon, at Calabarzon.
May panahon, ilang taon na ang lumipas, na ikinakabahala ang masyadong mabilis na paglago ng populasyon ng Pilipinas. Sa katunayan, isa itong pandaigdigang pangamba, na nagmula sa pahayag ng British economist Thomas Malthus na “Population, when unchecked, increases in a geometrical ratio. Subsistence increases only in an arithmetical ratio.” Nanawagan siya para sa “preventive checks,”tulad ng moral restraint, abstinence, at birth control “to save humanity from itself.”
Sa mga bansa sa mundo, nagpatupad ang China ng one-child policy noong 1978 upang mapigilan ang paglago ng populasyon nito—na siyang pinakamalaki sa mundo. Sa pagtataya ng mga mananaliksik ng pamahalaan, inaasahan nilang aabot ito sa 1.4 bilyon sa 2029—ngunit ikinakabahala rin nila na susundan ito ng isang “unstoppable decline” na kinakikitaan nila ng pagbagsak sa 1.36 bilyon sa 2050, na magpapabagsak sa lakas-paggawa ng 200 milyon. Nagpaalala rin ang China Academy of Social Sciences na maaaring bumaba ang populasyon ng 1.17 bilyon pagsapit ng 2065.
“The long-term population decline, especially when it is accompanied by a continuously aging population, is bound to cause very unfavorable social and economic consequences,” ayon sa ulat ng akademya. Itinaas ng China ang limit sa pagkakaroon ng anak sa dalawa noong 2016, ngunit patuloy na naitatala ang pagbaba ng panganganak, kung saan naitala sa ilang probinsiya ang malaking pagbagsak hanggang 35%. Ngayon, napaulat na nagsasagawa na ng hakbang mga mambabatas sa China, upang luwagan ang restriksyon sa family planning.
Sa Pilipinas, mayroon tayo ngayong National Family Planning Program na iniiimplementa ng Department of Health na nakadisenyo upang makatulong sa mga pamilya na makamit ang kanilang ideal na laki ng pamilya sa tulong ng universal access to quality family planning information and services. Kabilang dito ang probisyon ng family planning commodities na ligtas, legal, non-abortifacient, epektibo, at kultural na pagpanggap . Ang mga serbisyong ito ay nasa mga hospital at iba pang health facilities.
Ang National Family Planning Program na ito ang nagpabagal sa paglago ng populasyon s Pilipinas sa 1.38%, na nasa kapasidad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Gayunman, ang natuklasan ng pag-aaral ng Popcom, hinggil sa mabagal na pag-usad ng populasyon ng mga nasa 0-14 anyos habang nakitaan ng pagtaas ang nasa senior age group, ay isang bagay na kailangang pagtuunan. Marapat na patuloy na inaaral ang ating mga Family Planning Program upang masiguro na hindi ito magdudulot ng hindi inaasahang epekto, tulad nang nangyari sa one-child policy na inilunsad ng China noong 1978.