PINULBOS ni Johann “Bad Koi” Chua si Roland Garcia, 10-7, para makopo ang titulo sa money-rich Manny Pacquiao Valentines 10-ball Open Championship (Individual event) kamakailan sa SM City sa Bacolod City.

Mainit ang naging panimula ni Chua ng kunin ang 3-0 kalamangan sa pagbubukas ng laro. Subalit nakabawi agad si Garcia ng kanyang itumbok ang 2 straight racks para makalapit sa 3-2 count. Hindi naman nagpabaya si Chua na two-time Japan Champion ng maitala ang 3 straight racks para muling lumamang sa 6-2 count kasunod naman ng muling pag-ahon ni Garcia para sa pa close ang match sa 6 all count sa 12th frame.

Nanaig muli ang Bacolod City native Chua ng 3 racks para makuha ang puro sa laro sa 9-6 count. Si Garcia na ipinagmamalaki naman ng Magalang, Pampanga ay nagwagi sa 16th frame para sa 9-7 count bago manalo si Chua sa last rack.

Bago ang race-to-10 finals ay nakaungos muna si Chua kay Patrick Gonzales, 9-8, sa semis habang angat naman si Garcia kay Jhek Alonsagay, 9-4, sa isa pang final four marquee matchups.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Natangap ni Chua ang P150,000 para sa kanyang week’s efforts habang naiuwi naman ni Garcia ang runner-up prize na P75,000 sa event na inorganisa nina Mary Grace Tambasen at Michael Feliciano na suportado ni World Boxing champion Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao. Nakapagbulsa naman sina Gonzales at Alonsagay na tig P40,000