HINDI bakasyon ang ipinunta ni Bela Padilla sa South Korea, nag-shooting siya ng Viva Films movie na Ultimate Oppa na kung saan, makakapareha ni Bela ang Korean actor na si Kim Gun Woo. Ang shooting din sa South Korea kaya ilang araw ding hindi napagkikita si Bela.

Bella

May mga gusto pa namang ma-interview si Bela dahil kahit Viva Artists Agency talent siya, sa ABS-CBN siya lumalabas at kasama siya sa Kamag-anak Corporation na binanggit ng isang bossing ng network. Gusto sanang malaman ang reaction niya sa isyung ito.

Also, gusto ring i-congratulate si Bela dahil noong February 14, kumita ang movie nila ni JC Santos na On Vodka, Beers, and Regrets ay kumita ng P10M. Walang duda, si Bela na nga ang bagong Box-Office Queen ng Viva Films.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

-Nitz Miralles