NASA 32,000 kuwalipikadong magsasaka sa probinsiya ng Tarlac ang nakatakdang tumanggap ng tig-P5,000 tulong pinansiyal sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) program ng Department of Agriculture (DA), katuwang ang LandBank at Development Bank of the Philippines (DBP).

Idinaos ang seremonyal na paglulunsad ng programa sa Paniqui Municipal Covered Court sa bayan ng Paniqui kamakailan.

Layunin ng ayuda na matulungan ang mga maliliit na mga magsasaka na apektado ng Rice Tariffication Law.

Sa kanyang naging mensahe sa paglulunsad, sinabi ni Governor Susan Yap na ang pinansiyal na tulong ay inaasahang makakabawas sa epekto ng implementasyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“This amount, although small, can help our dear Tarlaqueño farmers to lessen the impact of the new tariffication law. We understand the plight of our rice farmers, particularly the marginal ones. The RFFA is one way to help you cope with the tough competition in the market today,” ani Yap.

Nakatakdang ipamahagi ng administrasyong Duterte, sa pamamagitan ng DA katuwang ang LandBank at DBP, ang nasa P3 billion sa 600,000 magsasaka sa 33 probinsiya sa bansa, na ang mga sakahan ay may lawak na umaabot sa kalahating ektarya hanggang 2 ektarya.

Magmumula naman ang pondo ng RFFA sa koleksiyon mula sa taripa na P10-billion Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).

Sa Central Luzon, nasa 115,000 magsasaka ang inaasahang makikinabang sa RFFA program.

Bukod naman sa tulong pinansyal, sinabi ni Agriculture Secretary William D. Dar na nasa P1.6 billion halaga ng interventions ang inilaan ngayong taon para sa mga magsasaka ng Central Luzon, kabilang ang tulong sa ilalim ng RCEF, solar power irrigation system project para sa palay at iba pang high-value crops, youth agri-entrepreneurship program, seeds, at iba pang farm inputs.

PNA