MARAMI nang excited mapanood ang psychological-drama-thriller na Untrue ng Viva Films na nagtatampok sa bagong tambalan nina Cristine Reyes at Xian Lim, sa direksyon ni Sigrid Bernardo na siya ring sumulat ng story ng movie.

UNTRUE

Hindi nagkait sina Direk Sigrid, Cristine at Xian na magkuwento kung paano sila nag-shooting si Tbilisi, Georgia nang mapasabay sila sa -1 degree Celsius temperature doon.

Ayon kay Direk Sigrid, isang acting piece ang Untrue para kina Cristine at Xian at hindi siya nagkamali sa pagpili niya sa dalawang actors niya.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

“Nagkaroon kami ng 10 days ng workshop, kumuha ako ng acting coach, at parehong napaka-professional, they studied their lines. Si Xian, sinabihan kong magdagdag ng 20 pounds at nagpabalbas siya at si Cristine pinakulayan ko ang buhok para bumagay sa roles nila. Natuwa ako na they delivered, I’m very satisfied.”

Naintindihan daw naman ni Cristine kung bakit kailangan nilang mag-workshop. “Three weeks lang ang time namin para mag-shooting doon kaya kailangang dito na namin gawin ang workshop. Pagdating doon work na kami, walang bakasyon, kailangang masunod ang lahat ng eksenang kukunan sa kabila ng freezing weather doon.”

“Sobrang lamig,” dagdag ni Xian. “Extra challenging sa amin ang shooting, ang lakas ng hangin, drama pa naman ang ginagawa namin, ang hirap talaga. Salamat kay Direk Sigrid.”

Napili raw nila ang Georgia dahil kailangan sa story konti lamang ang mga Pinoy, dahil sa story nag-migrate doon sina Mara at Joaquin, kaya nang malaman nilang 30 Filipinos ang nakatira roon, iyon na ang pinili ni Direk Sigrid. Nang mag-shooting sila, na-meet nila lahat ng mga Pinoy doon.

Nai-feature na ang “Untrue” sa Tokyo International Film Festival last October, 2019. Nagkaroon na rin ito ng advanced screening last February12 sa UP Film Center kaya kumakalat nang maganda ang movie. Tungkol ito sa dalawang Pinoy na nag-migrate sa Georgia, nagkakilala at nagpakasal na hindi muna nila kinilala ang isa’t isa. Ano ang kasunod, heated arguments and physical abuse. Sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila?

Ang “Untrue” ay produced ng Viva Films in cooperation with The IdeaFirst Company, opens in cinemas nationwide simula sa Wednesday, February 19, 2020.

-NORA V. CALDERON