HIGIT sa 50,000 drivers ang makikinabang ng malaking diskwento sa gasolina matapos maselyuhan ang bagong tambalan sa pagitan ng Chevron Philippines Inc., marketer ng Caltex fuels and lubricants, at nangungunang on-demand delivery app sa bansa -- ang Lalamove Philippines.

INILUNSAD ang Caltex SavePLus-Lalamove card bilang pagbibigay diskwento sa mga pangangailangan ng mga drivers.

INILUNSAD ang Caltex SavePLus-Lalamove card bilang pagbibigay diskwento sa mga pangangailangan ng mga drivers.

Lahat ng Lalamove partner drivers sa Greater Manila at Cebu ay mabibigyan ng Caltex SavePlus-Lalamove card para sa kanilang pagpapakarga ng gasolina sa lahat ng Caltex stations.

Makakakuha ang  Caltex SavePlus-Lalamove cardholders  ng eksklusibong diskwento: ₱3 kada litro ng Silver o Platinum with Techron, ₱1.50 kada litro sa Diesel with Techron, at ₱10 kada litro sa lubricant products.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa naselyuhang programa, makatitiyak ang lahat ng Lalamove partner drivers na tanging pinakamalinis na Caltex with Techron®  — ang kanilang maikakarga sa mga gamit na motorsiklo at mga sasakyan.

Ang 5-star fuel ng Caltex with Techron® ay nagtataglay ng Techronive ingredient na nagsisilbing tagapaglinis sa loob ng makina ng sasakyan. Nagdudulot ito ng maximized power, better fuel economy, lower emissions, a smoother drive, at reliable performance.

“Besides providing world-class fuels, we appreciate how Caltex stays true to its promise of understanding its customers by giving what our partner drivers want and need — making their journey so seamless and hassle-free and also more enjoyable,” pahayag ni Lalamove Managing Director Dannah Majarocon.

“We are also proud to announce that our team up with Caltex is regional with Singapore being the first Lalamove country to launch and go live. The Philippines has followed suit, and we’re highly positive that this will also take off given Caltex’s well-thought-out and personalized offering to our partner drivers,” aniya.

“This team- up with Lalamove Philippines reinforces Chevron’s commitment in encouraging business growth in the country. It also allows us to be of greater service to our motoring clients, empowers more businesses to prosper, and provides employment opportunities to more Filipinos. This is also a great opportunity for us to offer value for money and quality products that will truly benefit Lalamove’s partner drivers,”pahayag naman ni CPI Country Chairman Louie Zhang.