MAS magandang serbisyong pangkalusugan ang maibibigay ngayon ng mga health care providers sa Mindanao dahil sa tulong ng mga modernong pasilidad na tutugon sa pangangailangan ng mga residente.

Ito ay matapos i-turn over kamakailan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nasa P16.2 million halaga ng mga medical equipment sa iba’t ibang barangay health stations sa probinsiya ng Maguindanao.

Isinagawa ang pamamahagi ng medical equipment sa tulong ng BARMM’s Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP).

“The Bangsamoro government is pleased to inform everyone that we are determined in improving the public health condition of the BARMM,” pagbabahagi ni BARMM Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim na binasa ni Cabinet Secretary Mohammad Asnin Pendatun.

“As I have always emphasized, our priority is to improve the well-being of our people; to ensure access to quality health care services, education, and social welfare,” ai Ebrahim.

Siniguro rin ng opisyal na ipagpapatuloy ng BARMM ang pagtapos sa mga natitirang programa ng binuwag na ARMM at “shall be done consistent with our call for moral governance.”

Kabilang naman sa mga benepisyaryo ng medical facilities ang limang rural health units sa mga bayan ng Datu Piang, Talayan, Datu Salibo, Mamasapano at Talitay, ikalawa sa pinakamalaking distrito ng Maguindanao.

Nasa kabuuang 34 na Barangay Health Units din ang nakatanggap ng mga medical equipment mula sa programa.

PNA