“THANKS my love can’t wait to spend this and every valentines with you @neil_arce,” ito ang caption ni Angel Locsin sa pinost niyang pumpon ng pulang rosas mula sa fiancé niyang si Neil Arce nitong Araw ng mga Puso.

Angel at Neil

Kasunod ang kuha nina Neil at Angel na parehong naka-bathrobe sa isang hotel at umiinom ng wine habang naghahanda sa spa.

Say ni Angel, “celebrating our last Valentine’s day as boyfriend and girlfrien @neil_arce

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda

Samantala, trending ang pinost ng aktres ang litratong kasama ang mga naka-trabahong manggagawa ng ABS-CBN

Ang caption niya, “Isang pakiusap. Think before you click”. Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc. Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network. KAMI po ang ABS-CBN.“Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila.”

At dito binanggit ni Angel na hindi siya nag-renew ng kontrata niya sa ABS-CBN dahil abala siya sa paghahanda ng kasal nila ni Neil ngayong taon.“I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them. Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito.

“Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We

have families that rely on us kagaya n’yo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap. ABS- CBN team behind the set. #NoToABSCBNShutDown.”

Iba’t ibang komento naman ang nabasa namin sa post na ito ng aktres, may pabor, may kumukuwestiyon at may mga hindi. Kani-kanilang opinyon at hindi ito kinuwestiyon ni Angel.

-Reggee Bonoan