Dear Manay Gina,

Noong nakaraang taon, nagkaroon ako ng relasyon sa isa kong teacher. Hindi ko ‘yon ginawa upang makakuha ng mataas na grado pero sinabi niyang napansin n’ya daw ako dahil sa matataas kong grades.

Ang problema, nais niyang ipagpatuloy ang aming relasyon. Pero kung ako ang tatanungin, talagang hindi ko na gusto dahil parang hindi iyon tama, at sinabi ko ito sa kanya. Tama kaya ang desisyon ko?

KS

Dear KS,

Ang pag-aalinlangan mo sa inyong sitwasyon ay sapat nang sagot sa iyong tanong. Ang ganyang relasyon ay hindi pinapayagan sa mga educational institutions dahil puwede itong pagsimulan ng pang-aabuso sapagkat hindi pantay ang inyong estado.

Ngayon, kung ‘yan ay pareho n’yong kagustuhan at walang kasamang pamumuwersa, ipagpatuloy n’yo ang relasyon kapag graduate ka na. Interesanteng malaman kung interesado pa rin kaya si ‘Romeo’ na ipagpatuloy ang inyong relasyon kapag hindi ka na estudyante.

Nagmamahal, Manay Gina

“The reward for doing right is mostly an internal phenomenon: self-respect, dignity, integrity, and self- esteem.” --Dr. Laura Schlessinger

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia