PINAKAMALAPIT sa puso ng Pinoy ang basketball.

MATATAMO ng Pinoy cagers ang inaasam na ‘world class’ skills sa paglalaro gamit ang mga high-quality, international-standard na equipment tulad ng FiberKinetics na ibinida ni Ian Navarrosa, Sales and Marketing Manager, sa TOPS Usapang Sports.

MATATAMO ng Pinoy cagers ang inaasam na ‘world class’ skills sa paglalaro gamit ang mga high-quality, international-standard na equipment tulad ng FiberKinetics na ibinida ni Ian Navarrosa, Sales and Marketing Manager, sa TOPS Usapang Sports.

Kaya’t nararapat lamang na maglaro ng basketball, maging streetball 3x3 at three-point shootout gamit ang modern at high-quality standard na kagamitan mula sa FiberKinetics.

Iginiit ni Ian Navarrosa, Sales and Marketing Manager ng FiberKinetics, na isinusulong ng kanilang kompanya ang paglalaro ng basketball sa dekalida at ligtas na kagamitan batay sa ipinatutupad na ‘international standard’ ng International Olympic Committee at International Basketball Federation.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“Napapanahon at marapat lang na suportahan natin ang 3x3 basketball dahil talagang malaki ang tsansa natin na umangat sa international competition, kaya kami sa FiberKinetics ay tumutulong upang maipakita sa basketball community ang buting maidudulot sa spoirts development kung de-kalidad ang equipment na gagamitin sa basketball court tulad nang mga produkto ng FiberKinetics,” pahayag ni Navarrosa sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros. “We will help promote this sport in our humble way to the countryside and cities in the Philippines.Our state of the art equipment will surely harness the exceptional hoop talents of Filipinos and we will show that to the world,” aniya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Community Basketball Association at Pagcor.

Makakatuwang ng FiberKinetics sa promosyon ng sports ang mga LGU’s na masugid dingnagpapatudad ng kani-aknilang programa sa barangay.

Nakatuon ang pansin ng FiberKinetics (flagship ng kumpanyang Philippine FiberTech Industries,Inc.) sa pagsasagawa ng 3x3 sa mga barangay, malls at parks sa buong bansa.

Kabilang sa mga ipinagmamalaki ng FiberKinetics ang mga produktong Scoring and Timing System, Seating Solutions, Display System, Sports Equipments at Courts and Fields Projections.