SA kagustuhan na masiguro ang kaligtasan ng mga atleta minabuti na rin ng Philippine Paralympic Committee (PPC) sa pamumuno ng presidente nito na si Mike Barredo na ikansela nang tuluyan ang Asean Para Games na walang kasiguruhan kung itutuloy pa ngayon taon, habang may banta ng Corona Virus sa buong mundo.

“We want to hold the Games as much as we want to, but the threat [of the coronavirus] is something beyond our control,’’ pahayag ni Barredo sa panayam ng Balita.

Kamakailan, tumulak patungong Thailand si Barredo upang makipagpulong sa mga opisayles ng Asean Para Sports Federation (APSF) upang pag-desisyunan ang naturang isyu.

Ito ay matapos na ianunsiyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na kanilang kinakansela ang lahat ng mahahalagang aktibaidades ng ahensiya ngayong taon, kasama na ang hosting ng 10th ASEAN Para Games.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang nasabing multi-sports event ay nakatakda sanang ganapin ngayong darating na Marso 20 hanggang 27 sa Subic Bay at New Clark City (NCC) Pampanga.

Kasabay nito ay kasalukuyang nakasarado ang kabuuan ng NCC gayung naroon nakahimpil ang mga Pilipinong nagmula sa ibang bansa, upang panndilian sila i-quarantine.

Samantala, sa kabila ng kanselasyon, nakatuon pa rin sa pag-eensayo ang bemedalled para-swimmr na si Ernie Gawilan upang mas lalong mapagbuti ang kanyang performance.“ Basta po ako no comment po ako. Ang gagawin ko lang po mag-training para mas maging maganda po ang performance ko,” ani Gawilan.

Mahigit sa 2,000 para athletes buhat sa 11 bansa ang dapat sana ay dadayo sa Pilipinas para sa naturang biennial meet.

-Annie Abad