Sumakit ang tiyan namin sa kakatawa sa halos anim na oras na kuwentuhan sa komedyanang si Kitkat Favia nang magyayang mag-dinner sa isang restaurant sa Megamall at dahil inabutan ng pagsasara ay itinuloy sa coffee shop sa Metrowalk.

KITKAT-reggee

Paanong hindi ka tatawa puro tungkol sa sarili ang kuwento na pinaggagawa niya sa bahay nila kapag wala siyang trabaho.

“Umaga na ako nakakatulog hindi agad ako makatulog kaya kung anu-ano pinanonood ko sa Youtube, minsan nagkakalikot ako ng cellphone, kaya inis na inis ako kapag naghihilik na si Walby (asawa niya), naunahan na naman akong matulog,” bungad ng aktres.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Pinansin kasi namin ang mga oras na nagpo-post siya na parating madaling araw at nakuwento nga niya na gising na gising siya at magigising siya, bago mag-minindal sa hapon.

“Kaya kapag may event ako ng umaga, sobrang hirap na hirap akong gumising or better hindi na lang ako matutulog, nasubukan ko ng mahigit 24 hours akong gising,” pahayag ni Kitkat.

Kapag nasa bahay lang daw ang aktres, “nakahiga lang ako o kaya nanonood ako sa Netflix, o kaya pinapanood ko ang CCTV salitan sila kaya nakikita ko lahat ng nangyayari maski sa kabilang kalsada, imagine dose ang kamera sa bahay.”

Kaya nga kapag iniiwan na ang diet food niya ng 2AMmula sa Daily Gourmet Delivery ay nakikita niya kasi nga gising na gising pa siya at kinakain niya ito.

E, kaya pala hindi kaagad nakakatulog si Kitkat kasi madaling araw na kumakain pa.

“Oo nga, feeling ko rin, kasi 1AMpalang ako maliligo, siyempre magpapatuyo pa ako ng buhok, tapos ‘yan nga, kakain ako ng past 2AM, so magpapalipas pa ako kaya laging umaga na,” sambit pa.

Bukod sa panonood ng mga palabas sa Youtube at Netflix ay nilalaro niya ang mga alaga niyang aso na super cute at siya rin mismo ang nagpapainom ng vitamins dahil may technique kung paano dahil pag ibang tao ay ayaw sumunod.

“Sila ang mga anak ko, natutuwa ako sa kanila, nakakatanggal ng stress,”sabi pa.

Napag-usapan din kapag may kumukuha sa kanyang ninang, “naku request ko, huwag umaga ang binyag, dapat sa hapon, special kasi pag umaga or lunch, for sure hindi ako makakarating dahil hindi ako magigising.”

Anyway, may ipinakitang brand ng pabango sa amin ang aktres at regalo raw iyon sa kanya na gustung-gusto niya ang scent at sabi namin na alam namin kung saan nabibili rito sa Pilipinas at lagi pang out of stock.

“Bangong-bango ako sobra, ang sarap sa pakiramdam,” say ni Kitkat.

Heto na at dahil adik sa pabango lalo’t gusto niya ang scent ay kaagad niya itong ini-spray sa katawan na ilang segundo lang ay bigla siyang nangati at saka palang niya binasa kung anong klaseng pabango.

“Kaloka, pang room/linen spray pala! Malay ko ba namang para sa kuwarto pala, e, kasi ang laki-laki ng bote, so akala ko perfume sa tao, kaya tinawagan ko pa ang doktora kong nagbigay kung para saan, sabi nga para sa linen at room, tanga lang di ba?” tumatawang kuwento sa amin.

Inamin din sa aming may pagka-OC (obsessive–compulsive) ang aktres dahil hindi siya matutulog kapag may gusto siyang ayusin.

“Kapag nasimulan kong maglinis, hindi ako titigil hangga’t hindi tapos, ‘yung closet ko, talagang iniisa-isa ko ‘yan, kapag nagde-clutter ako, puwede na akong mag-garage sale, kaso hindi ko naman ginagawa kasi ipinamimigay ko naman sa mga kaibigan, kaanak,” kuwento pa.

Habang kumakain kami sa loob ng tatlong oras ay hindi namin nakitang uminom ng tubig ang komedyana, laging cold Milo.

“Hindi kasi ako mahilig uminom ng tubig kasi walang lasa, ha, ha, ha. Kaya either cold chocolate o juice basta may lasa. Hindi talaga ako matubig,” pag-amin ni Kitkat.

At nakuwento nga niya na minsan ay nagkaroon siya ng UTIkasi nga hindi palainom ng tubig.

“Pero kapag ramdam kong magkaka-uti na ako, nagi-inom na ako ng tubig, ha, ha, ha,” sabi sa amin.

Ang lakas kumain ni Kitkat, saan napupunta, e, ang liit ng katawan at wala namang tiyan, “e, di sa (private part), ha, ha, ha,” birong sabi pa.

Samantala, walang regular show ngayon ang aktres pero, “sobrang blessed ko nga kasi kahit na wala akong regular na programa, ang daming pumapasok na shows at sa akin dumidiretso ‘yung iba kasi nga marami na akong contacts kaya may mga personal appearances pa.”

Hindi naman itinanggi ni Kitkat na malaki ang bayad sa kanya kaya kahit na wala siyang programa ay buhay siya at natutulungan niya ang magulang niya na kailan lang ay nagkasakit ang papa niya.

“Timing nga nu’ng nangailangan ako ng malaking pera, may mga dumating, ang daming shows, nakakatuwa,” saad pa.

Aminadong walang sa pagnenegosyo si Kitkat kaya ang asawang si Walby ang nangangasiwa ng restaurant nilang I-Bagnet sa Metrowalk, carwash sa may Visayas Avenue, Quezon City at ang pagdi-distribute ng tuna at salmon sa mga kilalang restaurant.

“Yung sa I-Bagnet may kasosyo kami, ‘yung Em-Core Dotnet, ‘yung distributor ng 24Alkaline-C, 24Alka White Glutathione, etc, sa carwash naman may ibang kasosyo rin, pero dito sa tuna at salmon business, solo ni Walby,” tsika ng aktres.

Araw na ng mga Puso ngayon, saan ang date nila ng hubby niya.

“Secret daw (sabi ng asawa), kagabi, usually 13 kami nagdi-date para salubong ng 14,” sabi ni Kitkat.

-Reggee Bonoan