TINAPOS ng Caloocan-Victory Liner ang kampanya sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa pahirapang 93-90 panalo kontra Mindoro-JAC Liner nitong Miyerkoles sa Caloocan Sports Complex.
Kumubra si Carlo Escalambre ng 35 puntos mula sa 13-of-24 shooting, bukod sa limang assists, apat na rebounds, at dalawang steals.
Mula sa 13 puntos na paghahabol sa final period, naitabla ng Mindoro ang iskor sa 82 may 2:38 ang nalalabi mula sa 15-2 run na pinagbidahan nina Richard Abanes at Mac Baracael.
Umabante ang Caloocan sa limang puntos mula sa opensa nina Paul Sanga at Cedric Labing-isa, may 1:15 ang nalalabi.
“Sinabi ko lang sa kanila na enjoy the game, this is our last game. Ibigay na natin sa Caloocan,” sambit ni Caloocan head coach John Kallos.
Nanguna si Baracael na may 29 puntos , 15 rebounds, at limang assists para sa Tamaraws (9-21).
Iskor:
Caloocan-Victory Liner (93) -- Escalambre 35, Labing-isa 21, Sanga 15, Lasco 14, Marilao 5, Tongco 3, Sarangay 0, Garcia 0, Gonzales 0
Mindoro-JAC Liner (90) -- Baracael 29, Abanes 17, Vaygan 16, Bangeles 12, Matias 5, Osicos 4, Astrero 2, Alulod 0, Acedillo 0
Quarterscores: 25-9, 45-32, 66-60, 93-90