LABANAN ng mga batang determinado na makaangat sa mas mataas na level ang matutunghayan sa paghataw ng 1st Mayor Arthur Robes Cup (11th Swim League Philippines Series) sa Sabado, Pebrero 15 sa 10-lanes long course pool ng Collegio San Agustin (CSA) sa San Jose Del Monte, Bulacan.

B.E.S.T GIRLS! Kumpiyansa ang girls squad ng Behrouz Elite Swimming Team , sa pangunguna ni National junior record Jasmine Micaela Mojdeh (dulong kanan), sa kampanya sa 11th Series ng Swim League Philippines sa Sabado sa Bulacan.

B.E.S.T GIRLS! Kumpiyansa ang girls squad ng Behrouz Elite Swimming Team , sa pangunguna ni National junior record Jasmine Micaela Mojdeh (dulong kanan), sa kampanya sa 11th Series ng Swim League Philippines sa Sabado sa Bulacan.

Magkakasubukan ang mga batang swimmers mula sa iba’t ibang eskwelahan at swimming club sa bansa, kabilang ang pamosong Philippine B.E.S.T. (Behrouz Elite Swimming Team) sa isang araw na torneo na naglalayon na palakasin at masustinahan ang grassroots sports development program sa swimming.

“Tuloy-tuloy po kami sa pagsasagawa ng ganitong torneo para po mabigyan natin ng tamang venue ang mga batang swimmers para makapaghanda sa kanilang pagsabak sa mas mataas na antas ng kompetisyon,” pahayag ni Philippine B.E.S.T president Joan Mojdeh.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

“11th Series po ito at talagang puspusan ang ating mga swimmers para maihanda ang kanilang mga sarili sa paglahok sa elite class at matupad ang kanilang mga pangarap na mapasama sa Philippine Team ng Philippine Swimming Inc. (PSI) in the future,” aniya.

Nakataya sa torneo na itinataguyod ni Mayor Arthur Robes, FINIS, at Behrouz Persian Restaurant, ang Class A, B at C, gayundin ang Motivational category.

“We’re inviting all swimming teams, clubs and schools to join the series. Malaking bagay ito para sa development and sustainability ng ating mga swimmers,” pahayag ni Mojdeh.

Sa mga interesadong lumahok, magpapadala ng entries sa [email protected] o makipag-ugnayan sa mobile numbers : 0932 7885215 at 0915 2873829.