Pinost ni Ogie Alcasid ang press statement ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aaawit bilang suporta sa ABS-CBN.
“We, The Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, an organization founded on the principles of democracy and freedom, are calling on the government to adhere to due process and for Congress to give due course to the franchise extension application of ABS-CBN, and keep that vital platform for our artists. ABS-CBN services the Filipino music community to be able to share and hone their artistry.
“Shutting it down will deal a significant blow to our community of artists that Filipinos rely on for more their entertainment. The repercussions will indeed be fel far beyond our sector.”
May pahabol pa si Ogie na kanyang sinimulan sa hashtag na #wagisaraangabscbn #maytanongpoako.
“Sensitibo ang usaping ito lalo pa’t ang aming kompanya ang nasa sentro nito. Bawat akusasyon sa abs cbn ay buo kong pinaniniwalaang masasagot sa tamang pamamaraan at panahon at base sa pawang katotohanan lamang. Ako po ay singer, songwriter, minsan komedyante, minsan host, hurado, minsan artista at mula ng ako ay nakabalik sa ch 2 noong panahon na wala na akong mapuntahan, ako po ay nabigyan muli ng pagkakataon na “magperform” ng mga “talents” na binigay sa
akin ng Panginoon. Kung kaya’t ang napag uusapang pagsasara ng aming kompanya ay personal sa akin. Tinatamaan ako sa ikabuturan ko. Nakakapangamba ang lahat ng ito. Ngunit alam ko na ang lahat ay plano ng poong Maykapal. He is just, mighty, and sovereign. Ako rin po ay naniniwala sa inyo- mga kapamilya. Tanong ko po kung kayo ay kapamilya, ano po ang dulot sa inyo ng mga usaping isasara ang aming kompanya? GOD BLESS YOUPO.”
Ipinaalala ni Ogie na, “We still respect the President. Just wanted to ask kapamilyas their reaction to the pending closure.”