LOS ANGELES — Mahigit dalawang Linggo na ang nakakalipas buhat ng bawian ng buhay ang NBA Legend na si Kobe Bryant kasama ang anak nitong si Gianna, kasama ang pitong iba pang biktima ng malagim na trahedya na pagbagsak ng helicopter sa Calabasas, California.

kobe

Ngunit tila ngayon pa lamang tumitimo sa isipan ng biyuda ni Bryant na si Vanessa Bryant ang malagim na sinapit ng kanyang mag-ama, matapos itong maglabas ng kanyang saloobing sa isang Instagram post kahapon.

“My brain refuses to accept that both Kobe and Gigi are gone. It’s like I’m trying to process Kobe being gone but my body refuses to accept my Gigi will never come back to me,” pahayag ng 37-anyos na si Bryant.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Ayon kay Bryant na galit siya sa nangyari sa kanyang mag-ama ngunit kailangan umano niyang magpakatatag para sa kanyang tatlong mga anak pa na naiwan.

“God I wish they were here and this nightmare would be over. Praying for all of the victims of this horrible tragedy. Please continue to pray for all,” ayon pa kay Bryant.

Marami ang nalungkot sa pagkakasawi 18-time all-star player sa National Basketball Association (NBA) na si Bryant, kung saan halos buong mundo ay nagluksa sa kanyang pagpanaw noong Enero 26.

Sasamahan sana ng retired Los Angeles Lakers forward na si Bryant ang kanyang anak na si Gianna sa isang youth basketball tournament kung saan siya rin ang coach kasama ang ang anim na biktima nang bumagsak ang helicopter, kasama ang piloto nito.

Hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang naging sanhi ng pagbagsak ngunit ang malinaw pa lamang sa ngayon ay ang helicopter ay lumipad sa kagitnaan ng fog sa nasabing lugar at wala ding indikasyon ng engine failure. — Reuters