“Hindi ako gumagawa ng pelikula para sa award! Malaking reward na para sa akin na mapansin ang acting nila ng hindi sila Cristine Reyes at Xian Lim kundi bilang Mara at Joaquim, so I think ‘yun ang malaking reward for them more than the awards.”

xian_2019-07-25_21-39-49 sigrid Cristine-Reyes-6

Ito ang paliwanag ni Direk Sigrid Andrea Bernardo kung sa tingin niya magkakatanggap ng acting award ang dalawang bida ng pelikulang Untrue na mapapanood na sa Pebrero 19 produce ng Viva Films.

Sa nakaraang presscon nina Xian at Cristine minus direk Sigrid ay nabanggit ng dalawa na bago sila umalis ng Pilipinas ay may 10 days session para mag-rehearse at pagdating ng Tbilisi, Georgia ay may acting coach sila plus rehearsals ulit. Sa madaling salita sobrang pagod na ang dalawa dahil ayaw pumayag ng direktora nila na hindi nila ma-perfect ang isang eksena.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Katwiran ni direk Sigrid, “Iwas very frank sa kanila na if you really want the role, ito talaga non-negotiable because you have to look the part, Xian hindi ka talaga mukhang ganito (as is). Sabi ko, the role is very challenging, pinabasa naman sa kanila ang script eh para alam din nila na hindi lang ako nagre-require ng ganu’n lang, so alam ni Cristine ‘yung requirement ng buhok at hindi ako papayag ng wig kasi ang hirap mag shoot ng wig. Tapos nasa ibang bansa kami, mababa, ang daming nangyari sa pelikula na hindi talaga puwedeng wig, ‘yung red hair.

“Itold Xian, you have to gain 20 pounds kasi masyado siyang guwapo, model, malinis.’ So, it’s a non-negotiable deal lahat ang sinabi ko kina Xian at Cristine at pumayag sila kaya I’m very happy ha sobrang dedicated sila pati ‘yung mga workshop.”

Base trailer ng Untrue ay black and blue sina Xian at Cristine dahil sa bugbugan nila, gaano ito ka-intense at hindi ba nagkasakitan.

“’Yung bugbugan, choreograph ‘yun kasi siyempre hindi naman puwedeng (totohanan), medyo intsense pero may mga protective saka may rehearsals sila,” saad ng direktora.

Ang love scenes, paano ito ginawa? “Okay lang. Ni-rehearse rin, may plan kami, we talk about it kung paano gagawin, okay naman.”

Inamin ni Sigrid na maraming limitasyon sina Xian at Cristine sa love scenes. “’Yung mga bawal ipakita. Pero kasi ‘yung pelikula hindi naman tungkol sa sex, kapag nakita mo ‘yung sex part ng kuwento, so hindi ‘yung ‘panoorin natin dahil may sex. But definitely may sexy, hindi siya make out scenes.”

Natanong kung paano ang naging working relationship nilang tatlo dahil may imahe ang dalawang bida na suplado’t suplada o hindi sila madaling pakisamahan.

“Nagustuhan ko sila na sumusunod sila sa akin, sabi nga, lahat kami may topak, so kung sino na lang ang susunod sa akin. E, hindi naman ako pumapayag talaga, so thank you sa actors ko na sinusunod talaga nila ako, parang wala ring time mag-inarte kasi sobrang busy kami at ang dami-dami nilang iniisip, kami-kami na lang kaya walang time mag-inarte,” pahayag ng direktor.

True ba na nagkaroon sila ng gap ni Xian? “Hindi ko alam kay Xian, kasi tapos na ‘to?” natawang sabi ng dalaga.

Maraming blind items na nasulat at tukoy sina direk Sigrid at Xian.

“Ako rin naman pinupuri ko si Xian, this is true, this is not untrue! Sobrang proud ako kay Xian kasi siguro pag napanood ninyo ang ibang pelikula ni Xian tapos napanood ninyo ito, iba, eh. Trailer palang iba na. Ako trailer palang very proud na ako hindi dahil bias ako nag-direk kundi nakaka-proud kasi nakita mo ‘yung growth niya, nag-workshop kami, iba ‘yung rhythm niya nu’ng una hanggang nag-grow siya as an actor, very proud of him. Kaya ‘yung blind item, baka blind siya (nagsulat),” katwiran ni direk.

Hirit namin na baka naman si Cristine ang nababalitang hindi sila okay. “Hindi ko alam kung anong isyu nila, basta ako tapos na, sana maraming manood ng pelikula naming,” aniya.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay may mga tumawag sa aming producers at direktors at tinatanong kami kung kailan ang premiere night nito dahil nga talk of the town ang pelikulang idinirek ni Sigrid na kakaiba ang kuwento kaya curious sila.

Sa Pebrero 17, Lunes ang premiere night sa Estancia Mall Cinema 1, Estancia Ortigas at showing naman na sa Miyerkoles, Pebrero 19 handog ng Viva Films.

-REGGEE BONOAN