Nagpakitang suporta ang ilang Kapamilya stars sa paghain e ng Office of the Solicitor General ng Quo Warranto Petition laban sa ABS-CBN.

Pinost ng ilang ABS-CBNtalents ang logo ng network at saka sila nagko-comment. Ang iba, walang comment, basta pinost lang ang logo ng network. Napansin lang namin na may talents na open ang kanilang comment box sa Instagram (IG) at meron namang disabled, kaya hindi makapag-comment ang netizens.
Si Coco Martin, open ang comment box ng IG at ang sabi: “Mahabang taon na napatunayan ng ABS CBNna kahit ano man ang dumating na pagsubok sa ating bansa lagi sila nandyan para tumulong sa ating bayan!!!”
Post naman ni Angel Locsin: “Praying that the law shall be used to protect jobs, press freedom, justice and betterment of the Filipino people.”
Ang sabi ni Gary Valenciano: “It always will be.”
Nag-tweet si Vice Ganda ng: “Ikalulungkot ng higit na nakararaming Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo kung isasara ang ABS-CBN.”
Pahayag ni Kim Chiu: “Ilan taon nang nagbibigay saya, ligayam inspiration, tulong, malasakit, pagmamahal, kaalaman at marami pang iba saan ka man sa mundo.
“Kapamilya” lang ang comment ni Bea Alonzo, si Jolina Magdangal, hashtag lang na #KAPAMILYA” ang comment, habang si Robi Domingo ay “Always” ang sinabi. Si John Prats, “My home for 28 Years. Si Vhong Navarro, open ang comment box, pero walang comment.
Ang ibang Kapamilya stars, hindi pa nagpo-post ng suporta sa ABS-CBNat ang iba, disable nga ang comment box. Hindi naman siguro sila nire-require na mag-post ng kanilang suporta sa network at panawagan na ‘wag itong ipasara.
-NITZ MIRALLES