Kabilang sa 44 manlalaro na pinagpipilian ng USA Basketball team ang star player ng L.A. Lakers na si Lebron James para sa pagsabak ng koponan sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 24.

(Photo by Maddie MEYER / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)

(Photo by Maddie MEYER / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)

Si James na dalawang beses na gold medalist at tatlong ulit na naging Olympian noong 2004, 2008 at 2012 ay muling sasandalan ng USA upang muling makuha ang gintong medalya buhat sa nasabing kompetisyon.

Ang nasabing pool ay binubuo ng 19 manlalaro na may kabuuang 31 gintong medalya buhat sa Olympico di kaya naman ay sa World Cup competition para sa mga Amerikano, kabilang ang siyam na manlalaro na nakakuha ng titulo sa Olympiayada para sa USA Basketball sa Rio de Janeiro, apat na taon na ang nakakalipas.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

“I’ve always maintained that equity is important. And you earn equity by participating. So, we think they’ve earned the right to be named to the overall roster for USA Basketball. It’s pretty elite. It’s a tremendous pot and the good news is they’ve all said they want to play,” pahayag ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo .

Si James ay naglalaro ng 68 na laban para sa US national team at nag-aasam na muling makapaglaro sa Olimpiyada matapos na hindi ito makasama Rio Games sa maraming dahilan.

Hangad din ni James na makapaglaro sa ilalim ng pagmamaneobra ni US coach Gregg Popovich ng San Antonio Spurs.

“It’s a possibility,” ayon sa unang pahayag ni James.

Walang magaganap na tryouts, at gagawin lamang 12-person Olympic team ang nasabing koponan sa Hunyo depende sa kalusugan at pagkakaroon ng panahon ng mga manlalaro na pipiliin kasunod ng training camp sa unang linggo ng Hulyo matapos ang NBA Finals.

Ang mga USA Basketball officials kasama sina Bryan Colangelo at Popovich ay nakipag-ugnayan na sa mga manlalaro sa iba’t ibang paraan sa mga nakaraang linggo kung saan ang iba ay sa mismong manlalaro sila dumeretso na makiapag-usap ang iba naman ay ipinadaan nila sa mga agents nito at mga koponan kung saan naglalaro ang mga ito.

Ayon kay Colangelo, na may mga manlalaro din na dumederekta sa kanila upang magpahayag ng interes na maglalro para sa Team USA.

Sakalaing ang mga interesadong manlalaro ay nasa listahan, walang duda na gudto talaga nilang maglaro ayon kay Colangelo.

“I feel very good about the response,” ani Colangelo.

Kabilang sa pool ng 15 sa 16 na manlalaro buhat sa US na nakatakdang lanlaro para sa NBA All-Star Game ngayong Linggo ang 12 miyembro ng koponan na dati nang naglaro para sa Team USA noong nakaraang World Cup sa China kung saan ang sila ay nakapuwesto ng ikapito.

Kabilang din sa pinagpipilian sina Harrison Barnes ng Sacramento, si Jimmy Butler ng Miami , DeMar DeRozan ng san Antonio, Kevin Durant at Kyrie Irving ng Brooklyn, Paul George ng L.A Clippers, ang mga pambato ng Golden State na sina Draymond Green at Klay Thompson at si Kyle Lowry ng Toronto.