Hindi makakalaro sa darating na PBA Philippine Cup sina dating Lyceum of the Philippines University standouts Jayvee Marcelino at Ralph Tansingco matapos silang ibaba ng Phoenix Pulse sa reserve list.

marcelino

Sa halip, sa koponan ng FamilyMart na pag-aari din ng Phoenix sila maglalaro sa PBA D-League.

Dahil sa desisyon ng pamunuan ng Phoeniix, hindi na matutuloy ang pagiging pang-apat sanang pares ng kambal nina Jayvee at kapatid nitong si Jaycee na makapaglaro sa PBA.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Naunang na-draft sa second round at pinapirma ng dalawang taong kontrata ng Alaska si Jaycee kaya sigurado na itong makakalaro.

Si Jayvee nadman ay na draft sa fourth round ng NLEX ngunit di ito nabigyan doon ng kontrata kung kaya nag tryout ito sa Phoenix Pulse kung saan sya nabigyan at pinapirma ng one-conference contract.

Gaya ng mga naunang conferences ng developmental league,ang FamilyMart ay muling makakatie-up ng Enderun College sa PBA D-League.

-Marivic Awitan