PINAGTIBAY ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang liderato nito sa South division ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup matapos ibaon ang Biñan City Luxxe White Krah Heroes.72-66 sa kanilang penultimate na bakbakan kaimakailan sa Alonte Sports Center sa Binan City.

Dinomina ng Tigers ni team owner Rep Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife president Atty.Jose Martin Loon;FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque ang Krah Heroes mula simula hanggang third sa pagposte ng 20 puntos na bentahe tungo sa panalo sa pangunguna nina Kenneth Mocon na kumamada ng 16 puntos na inayudahan din ng 12 puntos ni Chester Saldua.

Ang panalo ng mabalasik na koponang pinangangasiwaan nina team manager Dinko Bautista mula Mindanao ay lalo lamang nagpatibay sa hawak nitong top seed position 25-4 upang di na ito posibleng maabutan pa ng sumesegundang Bacoor Strikers na may kartadang 24-6 isang playing date na lang ang nalalabing laban sa double round eliminations.

Binigo rin ng Tigers ang Binan na magtala ng disenteng paglabas sa Lakan Season na may baong panalo kung saan ay lalo silang nabaon sa 12-18 baraha upang isipin na lang ang pagpapalakas ng koponan sa susunod na season ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?