HOUSTON — Selyado ng isang tres ni Bojan Bogdanovic ang panalo ng Utah Jazz 114-113 kontra the Houston Rockets kahapon, (Linggo sa US).

Nagdiwang si Utah Jazz forward Bojan Bogdanovic, center, matapos mailusot ang game-winning three point basket kasama si Rudy Gobert, kaliwa, at Donovan Mitchell, kanan, sa second half ng NBA basketball game laban sa Houston Rockets. (AP)

Nagdiwang si Utah Jazz forward Bojan Bogdanovic, center, matapos mailusot ang game-winning three point basket kasama si Rudy Gobert, kaliwa, at Donovan Mitchell, kanan, sa second half ng NBA basketball game laban sa Houston Rockets. (AP)

Kinailangan na makabalik ang Jazz matapos na bumato ng isang 3-pointer si P.J. Tucker na nagbigay ng dalawang puntos na kalamangan sa Houston may 1.6 pa ang nalalabi sa labanan.

Matapos ang timeout, buhat sa screen ay pinukol ni Bogdanovic ang kanyang tres na siyang nagbigay ng panalo sa Jazz.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nag-ambag ng kanyang 30 puntos si Jordan Clarkson habang si Donovan Mitchell ay tumapos ng 24 points, na may kasamang six assists at five rebounds upang itala ang ikalawang sunod na panalo ng Jazz matapos ang limang sunod na pagkabigo.

Nagbigay din ng kanyang 20 puntos si Mike Conley kasama ang 20 points, six assists at gayundin si . Rudy Gobert na may 12 points at 15 rebounds para sa Jazz.

Sa kabilang panig, tumapos naman si Russell Westbrook ng 39 points para sa Rockets habang si James Harden ay tumipa ng 28 puntos na may kasamang 10 rebounds at 10 assists.

Nagtala lamang si Westbrook ng 18 of 33 buhat sa field habang si Harden ay may 11 of 23, kasama ang 2 sa kanyang 13 tres na pinakawalan.

Si Robert Covington naman ay may 14 puntos at si Danuel House Jr. naman ay nag-ambag ng 10 para sa Rockets.

-Annie Abad