BINIGYAN ng mas malaking responsibilidad ni coach Mark Dickel si Kiefer Ravena matapos siyang italaga nito bilang team captain ng Gilas Pilipinas pool na naghahanda para unang window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers ngayong buwan.

Ravena

Ang pagtatalaga sa 26-anyos na si Ravena ay inihayag ni Dickel noong Linggo ng gabi pagkatapos ng kanilang ensayo.

Malaki ang tiwala ni Dickel sa kakayahan at abilidad ni Ravena para maging lider ng team.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“It suits him,” ani Dickel. “He’s talkative, communicative. It’s his turn. I think he’s more than capable of taking that role and doing a great job with it.”

Ani Dickel, nakita nya kung gaano kahusay na lider si Ravena para sa koponan nito na NLEX Road Warriors sa PBA kaya batid nyang magagawa din ito ni Ravena sa Gilas.

“He really took them(NLEX) to his shoulders and led them. There’s no reason he can’t do it here.”

Aminado si Ravena na may pressure sa pagkakatalaga nyang team captain, ngunit naniniwala syang hindi nya kailangang gawin ang kanyang tungkulin na mag-isa kaya’t humingi sya ng suporta sa mga kapwa nya beterano partikular kay Marc Pingris.

“Humingi lang din ako ng tulong of course with the PBA guys, especially kay kuya Marc Pingris,” ani Ravena. “I won’t necessarily take all the cudgels na ako lang ‘yung team captain.”

“May pressure, of course, but hindi ko inaako lahat. At least andiyan sina Poy [Erram], sina RR [Pogoy], CJ [Perez], Troy [Rosario], especially since ‘yung apat na ‘yun naka-experience ng World Cup,”dagdag nito.

“Kahit papaano, alam namin ‘yung highest level of international basketball. Ita-try namin. Magtutulungan lang kami para mapagana lahat and mabigyan ng panibagong identity ‘yung pool ng Gilas.”

Sa kasalukuyan ay hangad ng Gilas na makapaglinang ng mga kabataang manlalaro para sa 2023 FIBA World Cup.

Bahagi ng hangaring iyon ang pagbubuo ng isang kultura ng paniniwala, dedikasyon at commitment sa ilalim ni program director Tab Baldwin na magsisilbing pundasyon para sa 2023 World Cup.

-MARIVIC AWITAN