MAKASAYSAYAN ang naging awarding ng Academy Awards nitong Linggo ng gabi (Lunes, Manila Time) matapos makuha ng South Korea’s black comedy, Parasite, ang Hollywood’s biggest prize, best picture award, bilang unang non-English-language film na nanalo.

South Korean director Bong Joon-ho accepts the award for Best International Feature Film for

South Korean director Bong Joon-ho (Photo by Mark RALSTON / AFP)

Patungkol sa lumalawak na agwat ng mahirap at mayaman sa South Korea, humakot ang Parasite ng apat na Oscars, isang paglabas sa pananaw na isasantabi ng show ang mga subtitled Asian movie.

“I thought I was done for the day and ready to relax,” pahayag ni filmmaker Bong Joon-ho sa kanyang pagtanggap ng best director honors, bago mangakong “drink until next morning.”

Kiko Pangilinan, nakiramay sa pagpanaw ni Johnny Dayang

Ngunit higit na ikinagulat ng lahat nang maungusan at matalo ng pelikula ang movie beat frontrunner na 1917 para sa best picture.

“It feels like a very opportune moment in history is happening right now,” pahayag ni producer Kwak Sin-ae sa audience ng Tinseltown A-listers, na buhos din ang suporta sa pagkapanalo ng pelikula.

South Korean director Bong Joon-ho arrives with the cast and crew of

The cast and crew of "Parasite" (Photo by Robyn Beck / AFP)

Bukod sa top prize nakuha rin ng pelikula ang Oscar para sa best international feature, at ang unang Asian film na makasukbit ng best original screenplay.

“We never write to represent our countries,” ayon kay Bong-jo sa kanyang pagtanggap ng screenplay award. “But this is (the) very first Oscar to South Korea. Thank you.”

Samantala, nagbigay din ng tribute ang director sa kanyang “his childhood hero” at fellow nominee Martin Scorsese, na lumikha naman ng standing ovation para sa veteran director ng The Irishman.

JOAQUIN AT RENEE, SA BEST ACTING PRIZE

Nakuntento naman ang pre-Oscars favorite na 1917, ang pelikula ni Sam Mendes tungkol sa dalawang sundalo ng World War I para sa best cinematography, visual effects at sound mixing prizes.

Wagi rin si Joaquin Phoenix ng kanyang first Oscar bilang supervillain sa origin story ng Joker, ang pelikulang may pinakamaraming nominasyon.

Sa isang emotionally speech, hindi nakalimutang banggitin ng aktor ang panawagan laban sa injustice at “an egocentric worldview” na humahantong sa environmental destruction, kasama ng pagbibigay-pugay sa kanyang actor brother River, na pumanaw sa drug overdose noong 1993.

“I have been a scoundrel in my life,” pag-amin ni Phoenix, na pinasalamatan ang Hollywood”[ for not] canceling him out and urging others to show similar forgiveness.”

Sinelyuhan naman ni Renee Zellweger ang kanyang remarkable comeback, sa pag-uwi niya ng best actress para sa Judy, award na inialay niya sa Hollywood screen legend, Judy Garland.

“Judy Garland did not receive this honor in her time. I am certain that this moment is an extension of the celebration of her legacy,” pahayag nito sa pagtanggap ng kanyang second Oscar.

POLITIKA SA OSCARS

Samantala, sinamantala naman ng ilan na maisingit ang politika sa show. Isa si Brad Pitt, na tumanggap ng kanyang first acting Academy Award para sa supporting role sa Quentin Tarantino’s Once Upon a Time... in Hollywood, na nagpahayag ng political note.

“They told me I only have 45 seconds up here, which is 45 seconds more than the Senate gave John Bolton this week,” pahayag ni Pitt bilang, referring sa naging impeachment trial ni President Donald Trump kamakailan.

Sa unang pagkakataon, tumanggap din ng Oscar award sina Barack at Michelle Obama para sa kanilang production house film, ang American Factory – na tungkol sa Rust Belt factory na binuksan muli ng isang Chinese billionaire -- best documentary.

Sa isang tweet pinuri ni Barack Obama ang “a complex, moving story about the very human consequences of wrenching economic change.”

Wagi naman ng best adapted screenplay ang Nazi satire Jojo Rabbit, na “about a young boy corrupted by fascism.”

Umaasa si Taika Waititi, mula sa Maori origin, na magiging inspirasyon ang kanyang pagkapanalo “to all the indigenous kids in the world who want to do art and dance and write stories.”

MUSICAL TRIBUTES

Sa gitna naman ng magarbo at masayang pagdiriwang, hindi nakalimutan ang pagbibigay ng tribute ng Oscars para sa naging pagpanaw kamakailan ng Golden Age film legend Kirk Douglas at Oscar-winning basketball star Kobe Bryant.

Naging madamdamin ang performance ng record Grammy-winning singer na si Billie Eilish sa version ng Yesterday na sinamahan pa ng “in memoriam” montage para sa mga nawala sa Hollywood ngayong taon.

Musika rin ang naging tema ng buong show, na nagsimula sa isang medley “addressing a swirling row over the lack of minorities and female directors on the star-studded nominee list.”

“We celebrate all the women who directed phenomenal films and I’m so proud to stand here as a black, queer artist,” pahayag ni Janelle Monae.

Pinasalamatan din ni Elton John, na nanalo para sa best original song sa Rocketman, film about his life, ang kanyang best original song co-winner Bernie Taupin “for being there when I was screwed up, when I was normal.”

Wagi ang Icelandic composer na si Hildur Gudnadottir para sa best original score sa kanyang haunting music ng “Joker.”

“To the girls, to the women, to the mothers, to the daughters, who hear the music bubbling within, please speak up,”anito. “We need to hear your voices.”

Wala namang female directors na naging nominado ngayong taon—isang tema na binitbit ng ilang celebrities.

Literal na isinuot ni b, best actress Oscar winner noong 2011 para sa “Black Swan,” nang ipaburda nito sa kanyang Dior cape ang pangalan ng mga ito.

Habang nakuha ng #MeToo movie Bombshell, true story of sexual harassment sa Fox News, ang best make-up and hairstyling.

SURPRISE PERFORMANCE

Ginulat din ni Eminem ang audience ng Academy Show, sa surprise performance nito ng kanyang Lose Yourself, mula sa 2002 film na 8 Mile kung saan siya bumida, 17 years ago, at nanalo ng Oscar. Mahigpit na isinekreto umano ang paglabas ni Eminem na ini-lockdown pa ang buong Dolby Theater noong rehearsals nito.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa Oscars 2020:

Best picture: “Parasite”

Best actor: Joaquin Phoenix, “Joker”

Best actress: Renée Zellweger, “Judy”

Best director: Bong Joon Ho, “Parasite”

Best supporting actor: Brad Pitt, “Once Upon a Time ... in Hollywood”

Best supporting actress: Laura Dern, “Marriage Story”

Animated feature: “Toy Story 4”

Animated short film: “Hair Love”

Original screenplay: “Parasite,” Bong Joon-ho and Jin Won Han

Adapted screenplay: “Jojo Rabbit,” Taika Waititi

Live action short film: “The Neighbors’ Window”

Production design: “Once Upon a Time ... in Hollywood”

Costume design: “Little Women”

Documentary feature: “American Factory”

Documentary short subject: “Learning to Skateboard in a Warzone (If You’re a Girl)”

Sound Editing: “Ford v Ferrari,” Don Sylvester

Sound mixing: “1917,” Mark Taylor and Stuart Wilson

Cinematography: Roger Deakins, “1917”

Film editing: “Ford Vs. Ferrari”

Visual effects: “1917”

International film: “Parasite,” South Korea

Original Score: Hildur Guðnadóttir, “Joker”

Original song: “(I’m Gonna) Love Me Again,” “Rocketman” (Music by Elton John, lyrics by Bernie Taupin)

-AFP/AP