FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol kina Liza Soberano at Enrique Gil na nabuking kung paano sila magkaroon ng tampuhan sa totoong buhay na hindi naman umaabot tulad ng mga karakter nila sa seryeng Make it With You bilang sina Blly at Gabo.

Liza at Enrique

“Hindi po, malayo po kami sa totoong buhay, hindi naman kami ganu’n kalala mag-away. Kasi ‘yung hugot nina Billy and Gabo sa story ay dahil exe’s sila, e, hindi naman po kami exe’s., sorry knock on wood mas malalim kasi ang galit nila sa isa’t isa,” tumawang sabi ni Liza na ikinatawa rin ng mga nasa set visit ng MIWY.

Mas mature na ang karakter ng LizQuen sa Make it with You kumpara sa mga nakaraang teleserye nila at pelikula.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yeah kasi ‘yung mga desisyons namin dito, mga problema namin dito compared sa previous shows namin as you can see parang as always follow your heart, follow your heart, dito kasi (MIWY) parang stop using your heart kasi masasaktan siya just use your mind na lang, okay lang kahit madurog puso ko parang ganu’n ‘yung nangyayari rito, ‘yung chemistry namin,” paliwanag mabuti ni Enrique.

Inamin din ni Liza na minsan ay napapaisip sila kung paanong atake ang gagawin nila sa mga eksena nila dahil nga iba na mabuti na lang ay gina-guide sila ng direktor at silang dalawa na rin ni Quen.

Anyway, puring-puri ang supporters o fans ng LizQuen dahil ni minsan ay hindi sila naging bayolente tulad ng ibang grupo ng loveteams na umaabot pa sa awayan, murahan at pananakot kapag hindi nila nagustuhan ang mga nasusulat sa idolo nila mas lalo pa kung hindi rin nila gustong napapareha sa iba.

Sa madaling salita, maayos at matitino ang fans ng LizQuen loveteam.

“I think (po) kasi our fans more on older generation, so I think mas malawak ‘yung pag-intindi nila and they’re aware na it’s a story so kahit may mga thirdwheel o kissing scenes man and they know na it’s needed to the story, pero affected sila sa character hindi sila affected sa actors, ‘yun ang pagkakaiba nila, “paliwanag ni Liza.

Dagdag naman ni Enrique, “saka pag nagagalit sila at nagkikita kami, they just say, ‘uy Quen, ‘wag ka namang papayag sa ganyan, sabihin mo naman sa mga writers na ano.”

Natatawang sabi rin ni Liza, “sabi nila, ‘Quen tama na kasi ‘yung bedscene.”

Say ng aktor, Sabi ko, ‘wala namang bedscene ah?’ ‘Oo tama, wag ka papayag ha? Sige ka, hindi na kita dadalhan ng Sampaloc, sige ka.’

Open daw kasi ang komunikasyon nina Liza at Enrique sa fans nila kaya kilala nilang lahat at close nga talaga silang lahat.

“Yes (nakakausap) last time nag birthday surprise sila kay (Liza) at tinatanong nila kung anong next na mangyayari sa kuwento (MIWY). Sabi nila, ‘ohh ang sama-sama ni Gabo kay Billy’ tapos sabi ko, ‘hindi ko naman gusto ‘yun, eh.’” masayang paglalarawan ng LizQuen sa mga supporters nila.

LIZQUEN WALANG SELEBRASYON NG V-DAY

Samantala, ilang tulog na lang at Araw na ng mga Puso, ano ang plano ng LizQuen?

“Sa kuwento po (Make it with You), hindi ko po alam pa and I don’t know kung February din ‘yung sa story hindi ko alam kung magkakaroon ng Valentine scene,” sambit ni Liza.

Say naman ni Quen, “feeling ko magkakaroon (Valentine scene).”

Seryosong hirit ni Liza, “kung magkakaroon man, kayo ni Rio (Katarina Rodriguez) ‘yun kasi kayo ang mag-dyowa kasi business partner lang ako.”

Napabuntong hininga ang aktor sa sinabi ng katipan, ha, ha, ha.

Sabi pa ng dalaga, “so mag-isa lang ako, kami lang dalawa ni tatay (Herbert Bautista).”

Pero sa totoong buhay bilang magkarelasyon, “hopefully kasi ang alam ko we’re gonna be taping,”sabi ng binata.

“Sa taping magsi-share kami ng sinigang,”saad ng dalaga.

“But I’ll find a way kasi nga taping (day) ‘yun,’diin pa ni Gabo.

“Saka hindi naman na much give important to valentines anymore kasi parang everyday is valentine (sabay nanlaking mata ng dalaga), ha, ha hindi joke lang. Pero parang hindi rin namin masyadong naiisip ‘yun, mas naiisip namin ang anniversaries and birthdays,” paliwanag ng aktres.

Inamin din ni Liza na hindi siya mahilig sa surprises kaya hindi siya nag-e-expect ng mga sorpresa ng boyfriend.

“I’m not the type who likes suprises po and hindi rin ako nage-expect ng material things, ang ini-expect ko batiin ako! Pag hindi ako binati doon ako nagagalit, ma remember niya na important ‘yung day na ‘yun for me, okay na ako ro’n,” pagtatapat ng dalaga.

Pero sa mga nakaraang V-day ay may mga pa-flowers naman si Enrique kay Liza at lahat ito ay sa bahay ng dalaga niya dinadala.

-Reggee Bonoan