MULING tinalo ng unang finalist Adamson at pinigilan ang tangka ng University of Santo Tomas na pag-usad sa UAAP Season 82 girls’ basketball finals,70-64,kahapon sa Paco Arena.
Ang panalo ang ikalimang sunod ng Lady Baby Falcons na nagbaba naman sa Junior Tigresses sa 3-2, panalo-talong rekord.
Nanguna si Joan Camagong para sa Lady Baby Falcons sa ipinoste nitong 19 puntos at 13 rebounds, gayundin si Crisnalyn Padilla na mayroon ding 19 puntos, bukod sa 6 na assists at 3 steals.
Tumapos naman si Erika Danganan na may 25 puntos at 11 rebounds para sa nabigong Junior Tigresses.
Dahil sa kabiguan ng UST, bibinigyan nila ng pag-asa ang De La Salle Zobel upang makasingit sa finals matapos nilang pabagsakin ang out of contention ng Ateneo, 88-24.
Sanhi ng panalo ay tumaas ang Junior Lady Archers sa rerord na 2-3. Puwede pa silang makapuwersa ng playoff para sa huling semifinals slot kung tatalunin nila ang UST sa Sabado upang magtabla sila sa 3-3..
Nanatili namang winless ang Junior Lady Eaglets matapos ang limang laro.
-Marivic Awitan