MATAPOS mabawasan ng tatlo, may nadagdag namang isang manlalaro noong Lunes ang Gilas Pilipinas’ pool para sa unang window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers.
Kinumpirma ni team manager Gabby Cui ang pagkakadagdag ni 6-foot-6 Phoenix slotman Justin Chua sa pool bilang kapalit ni Japeth Aguilar na nagpaalam upang makapag honeymoon ng kanyang maybahay.
Bukod kay Aguilar, nagpaalam din na di makakalaro sina Christian Standhardinger at Mac Belo dahil sa iniinda nilang injury.
Sa pagkakadagdag ni Chua, kasama na sya sa pagpipilian ni coach Mark Dickel para sa frontcourt ng bubuuin nilang final 12-man lineup bukod kina Marc Pingris, Troy Rosario, Poy Erram, Isaac Go at Justine Baltazar.
May sampung araw na lamang ang Gilas bago sumabak sa una nilang laro sa first window kontra Thailand sa Pebrero 20.
-MARIVIC AWITAN