TINALO ni The Philippines’ Johann “Bad Koi” Chua kontra si Roland Garcia, 10-7, para makopo ang titulo sa money-rich Manny Pacquiao Valentines 10-Ball Open Championship (Individual event) na ginanap sa SM City sa Bacolod City nitong weekend.

Mainit ang naging panimula ni Chua ng kunin ang 3-0 kalamangan sa pagbubukas ng laro. Subalit nakabawi agad si Garcia ng kanyang itumbok ang 2 straight racks para makalapit sa 3-2 count. Hindi naman nagpabaya si Chua na two-time Japan Champion ng maitala ang 3 straight racks para muling lumamang sa 6-2 count kasunod naman ng muling pag-ahon ni Garcia para sa pa close ang match sa 6 all count sa 12th frame. Nanaig muli ang Bacolod City native Chua ng 3 racks para makuha ang puro sa laro sa 9-6 count. Si Garcia na ipinagmamalaki naman ng Magalang, Pampanga ay nagwagi sa 16th frame para sa 9-7 count bago manalo si Chua sa last rack.

Bago ang race-to-10 finals ay nakaungos muna si Chua kay Patrick Gonzales, 9-8, sa semis habang angat naman si Garcia kay Jhek Alonsagay, 9-4, sa isa pang final four marquee matchups.

Natangap ni Chua ang P150,000 para sa kanyang week’s efforts habang naiuwi naman ni Garcia ang runner-up prize na P75,000 sa event na inorganisa nina Mary Grace Tambasen at Michael Feliciano na suportado ni World Boxing champion Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao. Nakapagbulsa naman sina Gonzales at Alonsagay na tig P40,000.-Marlon Bernardino-

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nasa larawan si The Philippines’ Johann “Bad Koi” Chua (gitna) na tinangap ang kanyang glass championships trophy at top prize P150,000 sa closing rites ng money-rich Manny Pacquiao Valentines 10-ball Open Championship (Individual event) na ginanap sa SM City sa Bacolod City nitong weekend. Kasama din sa litrato ay sina tournament director Michael Feliciano at tournament organizer Mary Grace Tambasen.

-Marlon Bernardino