NAITALA ng Far Eastern University-Diliman ang ikalawang sunod na dominanteng panalo sa UAAP Season 82 High School Boys’ Football Tournament matapos pabagsakin ang De La Salle-Zobel, 4-1, habang naungusan ng University of Santo Tomas ang Ateneo High School, 2-1, nitong Linggo sa Rizal Memorial Stadium.

Tangan ng Baby Tamaraws ang kabuuang 17 puntos, habang nanatili ang La Salle na may pitong puntos.

Naisalpak ni Jacob Garciano ang ‘insurance goal’ bago ang halftime break para makuha ng Baby Tamaraws ang 3-0 bentahe. Unang umiskor sa FEU si Pocholo Bugas sa ika-12 minuto bago sinundan ni Miguel De Mesa sa sumunod na 15 minuto.

Umiskor naman ang UST ng dalawang goal sa second period para higitan ang Ateneo at buhayin ang kampanya na makausad sa championship round.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb