SINAGOT ni Aicelle Santos ng “@inatalienicole i appreciate your concern my love. Maraming salamat. But I wanna be called simply by my name” sa nag-comment na may kasamang tampo sa GMA Network at GMA Artist Center.
Obviously, fan ni Aicelle ang may account number na @inatalienicole na nag-comment ng “bat pumapayag po kayong kung ano ano itawag sa inyo like Certified Diva? Traffic Diva? Achiever Diva namang ngayon. Kasi sa palagay ko, hindi bagay at nakaka DEGRADE ng status mo. IDOL po kita, at gusto ko umangat ka lalo. May karapatan ka naman siguro mag demand sa GMA 7? Kung ano ang title mo ay Soulflare Songstress o Soul Diva. PANININDIGAN naman na nila hindi puchu puchu kasi marami ka ng napatunayan. @gmanetwork @artistcenter Notice mo to kasi mahalaga to @aicellesantos.”
Natuwa ang fans ni Aicelle sa pagiging humble nito, kaya lalo raw niyang minahal si Aicelle. Ipinaliwanag din ng obvious na mas matagal ng fan ni Aicelle ang history ng mga title na itinawag sa kanya.
Anyway, isa si Aicelle sa three judges ng bagong musical competition ng GMA-7 na Centerstage kasama sina Mel Villena at Pops Fernandez. Sa February 16, every Sunday at 7:40 p.m., on GMA-7. Si Louie Ignacio ang director ng show.
Sa tanong kung anong qualities ang hinahanap niya sa contestants ng Centerstage?
“Hinahanap ko ‘yung mga bata na ang yayabang. ‘Yung ‘pag tumayo na sa stage, may makikita kang yabang at confidence. ‘Yung ‘pag lakad pa lang, makikita mong buo na ang loob,” ang sagot ni Aicelle.
Nag-agree si Aicelle kina Mel at Pops na kailangan nilang maging extra careful sa mga gagamiting salita sa mga bata, lalo na ang mga hindi mapipili para hindi sila ma-disappoint.
Ang tip ni Aicelle sa contestants na hindi mapipili ay ipagpatuloy lang ang pagkanta, ‘wag tigilan ang pag-eensayo para mas gumaling. Baka nga naman sa susunod na pagsali ay manalo na ang contestant.
Samantala, si Aicelle ang kumanta ng theme song ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Bilangin ang Bituin sa Langit with the same title. Sinulat nina James Manabat at Ann Margaret R. Figuero ang song na ang sabi ni Aicelle, “it’s haunting, at the same time, uplifting.”
Kaya sabay ng airing ng Bilangin ang Bituin sa Langit na magsisimula sa February 24, maririnig din ang boses ni Aicelle singing the theme song.
-Nitz Miralles