MAKARAAN ang anim na buwang rehabilitasyon (April - October 2018) ng isa sa pinakasikat na beaches sa mundo, ang BORACAY island resort na ipinagmamalaki ng PILIPINAS ay muling binuksan sa publiko. Naging tanyag sa buong mundo ang Boracay dahil sa taglay nitong white powdery sand na hindi matatagpuan sa ibang beach resorts. Anupat kung wawariin ay sadyang pinagkalooban ang isla ng Boracay na napakapino at maputing buhangin na masarap lakaran. ‘Di nga bat tinagurian itong “Paradise Island”.

20200121_164917

Mga Pagbabago sa Boracay

Upang mapanatili ang kaayusan ng Boracay sa pangunguna ng Dapartment of Tourism ay nagkaroon ng mga pagbabago :

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

PARTY ISLAND NO MORE

Limang beses na ako at aking pamilya na bumisita sa Boracay at nakapaninibago ang katahimikan lalo sa gabi. Wala na ang fire dance, sayawan, kantahan, halakhakan sa beach front.

LESS BUSINESS AT BEACHFRONT

Wala na ang marami at nagsisiksikang souvenir, massage sevices hair styling braids sa daan ng mga turista kayat, maluwag na nakaka paroo’t parito ang mga tao.

20200121_165004

BAWAL ANG PLASTIC!

Bumili kami ng aking husband ng 8 glasses of fruit juices at napilitan kaming bitbitin ang mga ito hanggang sa Hennan Regency Hotel na aming tinuluyan na nakalagay lamang sa papel na supot at halos mabitiwan namin dahil sa lamig ng mga inumin na tumagos sa papel na supot!

20200121_163056

MAS MALAKING AIRPORT

Ang dati ay siksikang Caticlan airport ay mas malawak at mas maayos na ngayon. Pati na rin ang Jetty port ay mas protektado ang mga pasahero .

Bagamat maraming Bawal ngayon sa Boracay at sa kasalukuyan ay may problemang pangkalusugan na apektado di lamang ang Pilipinas kundi maging ibang bansa ay kaisa ang may akda na naniniwala at nananaig ang tiwala sa ating Diyos na lilipas din ang lahat na sanay may aral tayong lahat na natutunan. Ramdam ko ang pananabik di lamang ng mga foreign but local tourists as well to come and re visit the Beautiful, Better and Bonggang Boracay!.

-DAISY LOU C. TALAMPAS