TIBAY at stamina ang masusubok sa mga mananakbong tatahak sa isang mapanghamong ruta na nakalatag sa Atimonan, Quezon - ang Malinao Extreme, Road and Trail Run kung saan pinamahalaan ito ng R&C Events Organizing Services na unang nag-organisa ng Camouflage Run 2019, GenRun 2019, Takbology101 at Dasma2Indang 25K.

HINIKAYAT ni Raegina Galera ng R&C Event Managing Director ang mga running enthusiast na makilahok sa Malinao Xtreme Road and Trail Run sa sisikad sa Pebrero 23 sa Atimonan, Quezon nang maging panauhin sa TOPS Usapang Sports nitong Huwebes sa National Press Club. Nasa larawan din sina Alvin Aguilar (ikalawa mula sa kaliwa), Wrestling Association of the Philippines, at Niel Parco,  Race Director ng R&C Evens at SEAG wrestling gold medalists na sina Noel Morada at Jason Baucas.

Sa pagbisita sa 54th TOPS Usapang Sports sa National Press Club, sa inisyatibo ni Race Director Niel A. Parco, ang patakbo ay may mga distansiyang 15-km, 10-km at 5-km na suportado ng Bitukang Manok, Herbal Pavilion at Pinagbanderahan Promotion ng lokal na turismo ang maaring lahukan ng mga mahilig sa healthy lifestyle at makatulong sa benepisyaryo ng Our Lady of Lourdes Parish.

Ayon kay Raegina Atienza Galera, managing director ng event na isang distance runner, nakatuwang siya ni Parco na isang triathlete ng Lucena Quezon TriClub (lumangoy sa dagat ng Quezon mula Alabat hanggang Atimonan) at ni Runaholic Joanna at Gerby Liu na pawang mga miyembro ng Lucena Triathlon Club upang pamunuan ang unang leg na ito ng event na may registration fee na P950 para sa 15-km plus trophy; 10-km- P750 +medal at sa 5-km ay P550 + bagtag na may event shirt, hydration cup na gawa sa coconut shell at post race meal. May special price sa mga estudyanteng kalahok, high school at elementary na P150 lang ang registration sa 5-km distance pero walang event shirt.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Magsisimula ang patakbo sa Quezon National Forest Park na ang assembly time ay 4 a.m. kaagapay ang DENR, Pagbilao at Atimonan LGUs, Atimonan MDRRMO na susuporta sa kaligtasan ng mga kalahok kasama ang BDRRMO at ang Provincial Gov't ng Quezon. Inaabisuhan na rin na isasara ang old zigzag road sa araw ng event mula 2 a.m. hanggang 11 a.m. Libre narin ang accommodation area para sa runners na ma-overnight stay at may shuttle service papunta sa starting line sa halagang P20 balikan. Bibigyan din ng vehicle pass ang runners na may dalang sasakyan bago paakyatin sa event area. Tumunghay sa FB page para sa iba pang detalye.