ANG 2020 Annual Kannawidan Festival ay magtatapos ng may kakaibang ingay ngayon sa paglalatag ng pinakahihintay na Governor’s Challenge Battle of Ylocos 4-Bullstag Derby sa Santa Square sa Santa, Ilocos Sur.

sabo

Sa pagtataguyod ng Thunderbird Power Feeds at GMP, ang Kannawidan Festival na nasa ika-anim na taon na ngayon ay isang proyekto ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson, sa pangunguna ni Martell Quitoriano, tampok ang kanilang dinadayong Gamefowl Expo na ginanap noong ika-7 & 8 ng Pebrero sa Vigan City Covention Centre.

Hindi kukulangin sa 40 kinikilalang mananabong at gamefowl breeders ng Ilocandia ang maghaharap bilang katawan ng apat na magkakaibang grupo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Team Ilocos Sur 1 ay binubuo nina Gov. Ryan Singson, Mayor Ruel Sumabat, Mayor Boy Camarillo, Mayor Ofring Geronilla, Ka. Bong Artajos, Romel Reyes, Marvin Quitoriano, Alain Wax Aldana, Jorick Paat & Alex Favis.

Ang Team Ilocos Sur 2 ay ibabando nina JP/Richard Singson, Bong Savellano, Samson Tan, Dayao Bros., Alden Pe, Benito, Ferdinand Restivada, Jeff Bantolina, Foloro Ramos, Butch Tabboga & MV Tamag.

Ang Team Ilocos Norte ay ilalaban nina Ruther Chu, Marlon Alcachupas, John Daguio, Atty. Edgar Santos, John Paul Alcid, Renier Kau, Floyd Rubio, Arnoll Manalo, Noel Sagisi, Sherwion Clarion, Dexter Adriatico Roque, Kenndy Aquino & Eric Ong.

Samantalang ang Team Abroad, ay aasa kina Mhelo Cabonce (USA), Arnell Lagadan (Canada), Noli Tiri (USA), Joel Baclig (USA), Queja Bros. (USA), Billy Bong  Domingo & Jeff Zabala (USA), Larry Ceria (Italy), Modesto.Melbourne Quitoriano (France) & Napoleon Ignacio (Seaman).

Ang entry fee at minimum bet ay parehong P8,800. Ang weight limits ay mula1.750 to 2.200 kgs. Ang mga sabong na maaring ilaban ay iyon lamang mga banded para sa 2019 Bakbakan at Digmaan.