PAPAGITNA ang mga batang talento sa pagsabak sa Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics Beach Volleyball Under 18 Boys and Girls Championships bukas sa (Feb. 9) sa Tanduay Athletics Volleyball Center sa Taguig City.

Cantada

Cantada

Kumpirmadong lalahok ang mga koponan mula sa Pangasinan, Pampanga, Bataan, Laguna, Quezon, Bulacan, Muntinlupa at Metro-Manila sa libreng patorneo bilang bahagi ng grassroots sports development program ng PVF, sa pamumuno ni president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.

Tulad sa mga nakalipas na torneo at programa ng PVF at pamilya Cantada, libre ang partisipasyon at naghihintay ang libreng pagkain at inumin sa lahat ng kalahok para sa buong maghamong palaro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pangangasiwaan ang torneo ng mga opisyal at lisensyadong referee at umpires ng PVF.

“No entry fees providing equal opportunities. Competent PVF licensed game officials providing fair and effective officiating. Sunday’s much awaited beach volleyball event promises to be a very exciting and entertaining as always,” pahayag ni Cantada.

Kabuuang 32 koponan -- tig-16 sa boys and girls divisions -- ang sasabak sa torneo na itinataguyod ng Toyota Marilao, VItaMilk at ni PVF Chairman, Pampanga Rep. Mikey Arroyo.