Posibleng maging bahay Philippine Basketball Association (PBA) ang mga sports facilities ng Philippine Sports Commission (PSC), sakaling maisara ang usapan sa pagitan ng dalawang grupo.
Noong mga dekada 80 at hanggang sa mga unang taon ng 2000, ang Philsports Multi Purpose Arena (MPA) o ang dating ULTRA sa Pasig City ang siyang naging tahanan ng PBA.
Sinimulan na nina Renato Chavez, Evihore Lopez at Neil Tibajares ng PBA ang ocular inspection nitong nakaraang Huwebes sa bagong gawang Rizal Memorial Coliseum (RMC).
Ang RMC, na may bagong gawang upuan, at bagong air conditioning ay kayang mapanooran ng kabuuang 8000 manonood. bukod pa sa Ninoy Aquino Stadium (NAS).
Ayon kay PSC Deputy Executive Director na si Atty. Guillermo Iroy maging ang ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ay interesado din na gawin sa mga nabanggit na venues ang kanilang mga laro.
-Annie Abad