Tiyak na si Jake Figueroa ng Adamson University ang Most Valuable Player ng UAAP Season 82 Juniors Basketball Tournament.
Ito’y matapos magtala ang Baby Falcon standout ng kabuuang 73 statistical points sa double round eliminations.
Tinalo nya ang pinakamalapit na katunggaling si Josh Lazaro ng Ateneo nang lamangan nya ito ng 6.21 puntos.
Nagtala ang 6-foot-2 forward na tubong Pampanga ng average na 13.21 puntos, 14.14 rebounds, 3.14 assists, 1.64 steals, at 1.21 blocks kada laro.
Pinangunahan din nya ang Baby Falcons sa pag-usad nila sa stepladder semifinals makaraang makopo ang 4th seed sa taglay nilang 8-6, panalo-talong marka.
Si Figueroa ang unang Juniors MVP mula sa Adamson mula noong Season 71 nang magwagi si Mark Juruena ng top individual award.
Pasok din sa top 5 ng mga naglaban-laban para sa parangal si Lebron Lopez ng Ateneo na may 66.21 SP’s kasunod ng kakamping si Lazaro na may 66.79 SP’s
Kasunod nya si Karl Quiambao ng National University(Nazareth School) na may 66.14 SP’s at Aldous Torculas ng University of the Philippines Integrated School’s na may 65.57 SP’s.
Ang iba pang nasa top 10 ay sina University of Santo Tomas big man Bismarck Lina (65.5), UPIS standout Ray Torres (63.29), Cyrus Austria (60.46) ng University of the East, Far Eastern University-Diliman ace Penny Estacio (60.36), at Forthsky Padrigao (59.64) ng Ateneo.
-Marivic Awitan