OVERWHELMED pa rin ang Asia’s Pop Diva at Kapuso singer na si Julie Anne San Jose sa pagkakapili sa kanya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang Music Ambassador.

IMG_0093

“Wala akong masabi!” sagot ng dalaga nang makausap namin sa 17th floor ng GMA Network sa pocket presscon ng The Sweetheart and the Balladeer (Fun Night Only).

Dagdag pa ng 25-year old Kapuso singer, “I’m just very, very overwhelmed and it feel so surreal. It’s just an honor to be part of NCCA, ‘yung isa ako sa napiling maging ambassador for music, arts and culture, it’s very overwhelming. Nakatutuwang experience kasi parang heto po ‘yung isa sa mga platform para mapalaganap pa natin ang sining at kultura ng Pilipinas.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon pa kay Julie Anne, mahalaga raw itong pagkakapili sa kanya ng NCCA bilang music ambassador. Kasama niya rito ang dalawang Kapamilya celebrities na sina Catriona Gray (Miss Universe 2018) at KZ Tandingan.

“It means a lot to me, sobra po talaga, ‘tsaka, I’m happy kasi I’m able to contribute in my own little way sa bansa natin kahit papaano, and you know, I’m always passionate about music and my craft as well.”

“I love arts, I love our culture and yeah, awareness na rin po ito sa ibang tao especially sa youth natin. I like to inspire more people and help other people also. Being part of NCCA will encourage me even more to inspire more people sa pag-pursue ng mga passion nila,” tinuran pa ng dalaga.

Ngayong buwan ng Pebrero, pinaghahandaan daw niya ang selebrasyon ng national arts month at nangako siyang dadalo sa ilang events ng NCCA.

Magiging bahagi rin si Julie Anne ng kick-off celebration ng ika-70th anniversary ng GMA Network via The Sweetheart and the Balladeer sa Urdaneta City Cultural and Sports Center, Urdaneta City, Pangasisan ngayong Sabado, February 8.

Kasama niyang magpe-perform ang ilang co-stars niya sa Sunday variety show na All-Out Sundays na sina Christian Bautista, Donita Nose, Super Tekla at Kyline Alcantara, mula sa direksyon ni Paolo Valenciano.

-LITO T. MAÑAGO