NANG magbigay si United States President Donald Trump ng kanyang State of the Union message bago ang joint session ng US Congress nitong nakaraang Miyerkules, iniabot ni Speaker Nancy Pelosi ang kanyang kamay bilang pagbati, ngunit hindi ito pinansin ng Pangulo, na tumangging makipagkamay sa kanya. Dito nagsimula ang komplikasyon ng annual presidential address.
Makalipas ang isang oras, natapos ang talumpati ni trump, at tumayo si Senate President Mike Pence upang sumalibong ng palakpak, habang pinunit naman ni Speaker Pelosi ang kopya ng talumpati ni Trump at itinapon sa isang tabi.
Isa itong pagpapakita ng galit sa pagitan ng dalawa sa mga lider ng pangunahing politikal na partido ng Amerika—ang Republicans at Democrats – at tila ang dalawang partido ring ito ang inaasahang mamumuno sa nalalapit na pambansang halalan para sa pagpili ng susunod na pangulo sa Nobyembre.
Sinamantala ng Pangulo ang kanyang talumpati upang ihayag ang mga napagtagumpayan niya sa pagpapataas ng industriya ng manupaktura sa Amerika, pagbaba ng kaso ng unemployment, at ang benepisyong makukuha mula sa trade war sa China. Makailang ulit na tumayo ang mga Republican legislators upang papurihan ang kanilang pangulo, habang nanatili tahimik at nakaupo ang mg Democrats sa isang bahagi ng hall.
Ilan naman mambabatas ang nagpakita ng bipartisanship. Habang nasa dalawang dosena ang nagsuot ng purple coats – kulay ube na hinaluan ng red, ang kulay ng Republican, at blue, na kulay ng Democratic. Ngunit ang mga lumutang na imahe ngayong taon mula sa State of the Union affair ay ang naging pagtanggi ni President Trump sa pakikipagkamay ni Speaker Pelosi, na sinundan ng pagpunit sa talumpati ng pangulo makalipas ang isang oras. “It was the courteous thing to do, considering the alternatives,” paliwanag nito kalaunan.
Inaasahan na ang matinding labanan sa nalalapit na presidential election campaign, sinuman ang mapili ng Democrats na maging presidential candidate. Pipili sila sa ilang mga naghahangad mula sa isang serye ng kombensyon at kokus.
Kaya naman marami ang nagpahayag ng nominasyon, isang indikasyon ng matinding pagnanais na labanan si Trump, kabilang dito sina former Vice President Joe Biden, Bernie Sanders, Elizabeth Warren, Pete Buttigigue, at Michael Bloomberg sa mga kilala.
Nasaksihan na ang ilang kawalan ng simpatya sa pagpili ng Democrats, ngunit ngayon kinakailangan nilang magkasundo at magtulungan para sa pagpili ng haharap kay Trump ng Republican sa halalan na maaaring higit na humati sa bansa.