DAHIL sa banta ng novel coronavirus sa bansa, aminado sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sila rin ay nangangamba sa kalagayan ng halos lahat ng nating kababayang Pinoy na apektado na rin sa pagkalat ng nasabing virus. Kaya naman todo-ingat daw ang real-life couple para safe at makaiwas sa nasabing sakit.

KATHRYN AT DANIEL

“Wala eh. Nagpa-panic din kami. Joke lang,” sabay tawang sabi ni Daniel.

“Unang-una, it’s not a joke. Hindi siya biro talagang marami ng tao ang naospital. Based sa mga nababasa natin hindi na natin talaga alam eh. At marami na rin pumanaw dahil dun sa sakit. So kailangan natin maging cautious. Prevention is the key. Kahit walang sakit, automatically kailangan natin palakasin yung mga katawan natin. Lalo na ngayon na may sakit kailangan natin palakasin yung immune system natin. Plus, huwag tayong pumunta sa masyadong crowded places. Always wear your masks, alcohol, wash your hands and kailangan ka laging maligo lalo na sa mga pamilya, sa mga estudyante. Ako yung mga kapatid kong pumapasok, kailangan mo sabihan. And magdasal tayo. Diyos ko ang daming nangyayari mga kapatid. Magdasal tayo at maging cautious, yun lang,” ani DJ, palayaw sa aktor.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sa isang banda, kung ang ilang proyekto gaya ng concert at ang pagpapalabas ng pelikula ay apektado na rin ng nCoV scare, tuloy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho ng dalawa sa kanilang teleserye project na hindi lang basta isang romcom.

“Abangan niyo. Tini-training na niya yan. Romance drama, and siyempre a little bit of action para pampabuhay lang ng dugo,” ani Daniel.

Sabi naman ni Kath, inuumpisahan na nila ang project ngayong Pebrero.

“We’re very excited. Actually may meeting kami bukas about the final story and yung magiging flow. Lahat yun malalaman namin bukas and exciting year yun para sa ating lahat. At least we’re back on primetime very, very soon,” pahayag ni Kath, nitong Biyernes sa sa presscon ng PayMaya BalikBayad.

With both their social media accounts reaching millions of followers, umaasa si Kath that Pinoys will also be more responsible with their behavior online.

“Ako more of sa kabataan naman since tayo nasa social media, siguro gamitin natin yun to spread the news na very accurate. Huwag tayong mag-repost kasi ang daming fake news eh. Hindi mo na alam sometimes kung saan yung reliable. So think before you post. Basically tayong mga millennials yun yung simpleng magagawa natin. And good hygiene. Wala namang mawawala sa atin kung mag-doble ingat tayo. Hindi joke yung nangyayari. Ipagdasal natin na matapos na lahat ito,” pahayag ni Kathryn.

-Ador V. Saluta