NAGKAROON ng yupi sa pambansang ekonomiya noong 2018 resulta ng mataas na inflation rate na pumalo sa 6.7 porsiyento noong Setyembre nang taong iyon. Ito ang taon ng matataas na presyo – na dulot ng mataas na presyo ng langis sa bansa na sibayan ng bagong taripa ng Pilipinas sa diesel imports. Binawasan ng economic managers ng ating gobyerno ang target para sa Gross Domestic Product (GDP) mula 7 hanggang 8 porsiyento, sa 6.5 hanggang 6.9 porsiyento.
Para sa 2019, ang GDP target ay 6 hanggang 6.5 porsiyento, ngunit dahil sa naantalang pagpasa ng 2019 national budget, hindi ito naabot. Sa pagtatapos ng taon, ang average growth ay nasa 5.9 porsiyento – ayon sa Philippine Statistics Authority – pinakamababa sa loob ng walong taon.
Sa maagang pag-apruba sa 2020 national budget na P4.1 trilyon, malaki ang pag-asa na makababawi ngayong taon. Ngunit ngayon ay mayroon tayong bagong krisis – ang epidemya ng coronavirus na nakaapekto na sa turismo ng Pilipinas at sa exports sa China.
Nitong unang bahagi ng linggo, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang patuloy na kaganapan ay maaaring bahagyang pigilan ang mga planong economic expansion ng bansa, ngunit “we are standing by our working projection of a GDP growth rate between 6.5 and 7.5 percent for 2020.”
Tinamaan ang travel and tourism industry sa buong mundo ng epidemya ng coronavirus bilang resulta ng mga travel ban na ipinatupad ng napakaraming bansa. Ginunita ni Dominguez na sa panahon ng SARSoutbreak noong 2003, bumaba ang tourist arrivals sa Pilipinas sa 1.9 milyon, ngunit umakyat ito sa 2.3 milyon pagsapit ng 2004.
Bumaba rin ang tourist arrivals nang magkaroon ng H1N1 epidemic noong 2009. Ngunit sa MERSoutbreak noong 2012, naging matatag ang Philippine tourism industry, aniya.
Maaapektuhan ang export ng Pilipinas ng electronic parts sa temporaryong pagsara ng mga pabrika sa China at pagkagambala ng global supply chains, aniya. Ngunit mahigpit na nakikipagtulungan ang Department of Trade and Industry sa mga kumpanyang Chinese na naghahanap ng production sites sa labas ng China, dagdag niya.
Maaapektuhan din ang tourism and electronic exports – ang mga ito ay ang mga pangunahing sektor na posibleng maaapektuhan ng umiiral na epidemya ng coronavirus, ngunit “these threats are not enough to force a dramatic reduction in our growth estimates. We are standing by our working projection of GDP growth rate of between 6.5 and 7.5 percent for 2020,” sinabi ni Secretary Dominguez.
Ikinalulugod natin ang hopeful at positive assessment na ito. Dapat itong makatulong na maibsan ang mga pangamba ng ilan na ang nangyayaring epidemya ng coronavirus ay magkakaroon ng mga katulad na masamang epekto sa ating ekonomiya, kaakibat ang pangamba ng marami na maaari silang mabiktima ng nakahahawang sakit.
Maaaaring magpatuloy sa pagkalat sa buong mundo ang epidemya sa pagsisiuwian ng mga taong bumiyahe ngunit ang ating mg apag-iingat sa ating mga paliparan gayundin ang monitoring ng Department of Health ay nagtitiyak sa atin na ang epidemyang ito, tulad ng Ebola, SARS, MERS, avian flu, at iba pang viral epidemics bago nila, ay matatapos rin nang may maliit na yupi sa ating ekonomiya. At ang buhay – kapwa ang pang-araw-araw ng mamamayan at ang buhay ng ekonomiya ng bansa— ay magbabalik din sa normal.