SA nakaraang hearing sa Kongreso noong Pebrero 5 ay hindi nakasamang pag-usapan ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN network na magtatapos na sa Marso.

coco_ - pls crop

Ang Kapamilya fans ang nangangalampag sa lahat na sana mapag-usapan na ito kasama rin ang grupo ng international journalists, at ilang mga kongresista ay nanawagan na sa Kamara na bigyang prayoridad ang franchise bill ng network.

Nakiisa ang grupo ng fans ng Laban Kapamilya at Kapamilya Online Community sa pagdeklara ng suporta sa prangkisa ng ABS-CBN, kasunod ng pag-anunsyo ng apela sa Kongreso ng ilang personalidad mula sa industriya, tulad nina Coco Martin, Joel Lamangan at Ricky Lee ng Artists Task Force Chacha.

'Tinupad ko promise ko kay Lord!' Darryl Yap ibinahagi 'dishonesty' niya sa Honesty Store noon, pero bumawi na

Kasama rin fan groups sa silent protest tulad ng National Union of Journalists (NUJP), College Editors Guild of the Philippines, at Defend Job Philippines na ginanap sa labas ng ABS-CBN compound nitong Biyernes.

May grupo ng international journalists na base sa Paris ang nagpahayag din ng kanilang suporta sa ABS-CBN. Nanawagan ang Reporters Without Borders (RSF) sa Philippine Congress na siguraduhin ang survival ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-renew sa prangkisa nito.

“As the leading TV and radio network, offering independent, verified news and information free of charge to millions of citizens, ABS-CBN plays an absolutely fundamental democratic role in the Philippines,” pahayag ni Daniel Bastard, head ng Asia-Pacific desk ng RSF.

Pakiusap ng grupo sa chairman ng House committee on legislative franchises na si Rep. Franz Alvarez na isama na sa agenda ang franchise renewal ng ABS-CBN. Dagdag ni Bastard, nakasangkalan ang kredibilidad ng demokrasya ng bansa rito.

May siyam na panukalang batas na ang naisumite sa Kongreso na naglalayong ma-renew ang broadcast franchise ng kompanya. Nag file rin si Rep. Edcel Lagman ng resolusyon na humihiling sa House committee na dinigin na “without delay” ang sama-samang franchise bills sa plenary.

Subalit ayon kina Bayan Muna Representatives Carlos Zarate at Ferdinand Gaite, hindi pa nakapag-set ng hearing si Rep. Alvarez hanggang ngayon para sa franchise renewal ng TV network sa kabila ng nalalapit na Lenten adjournment ng Kongreso sa Marso 14.

Pakiusap ni Congressman Zarate sa House Speaker at kay Rep. Alvarez na makapag-set na ng hearing sa susunod na linggo dahil sa nalalabing oras sa Kamara.

Maraming grupo pa ang kamakailan ay nagpahayag na rin ng suporta sa franchise renewal ng ABS-CBN, kasama na ang alyansang Green Thumb Coalition at Philippine Movement for Climate Justice. Anila, malaki ang naging kontribusyon ng TV network sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng environment protection at conservation sa pamamagitan ng educational programs, public service, at pagbabalita nito.

Hiniling din ng Concerned Artists of the Philippines sa kanilang mga kasamahan sa entertainment industriya na manawagan sa kapwa Pilipino na suportahan ang pakikilaglaban sa tinatawag ng NUJP na rape of democracy.

-Reggee Bonoan