Pangungunahan ng top 3 racers ng Pilipinas na sina Santy Santy Barnachea, Reimon Lapaza at Mark Galedo ang kabuuang 88 riders na lalahok sa nalalapit na pagtakbo ng 10th LBC Ronda Pilipinas ngayong darating na Pebrero 23 hanggang Marso 4.

cycling

Ang karera na magsisimula buhat sa Sorsogon at magtatapos sa Vigan, Ilocos Sur ay may nakatayang 1milyong piso.

Ang 43- anyos na si Barnachea, ang kauna-unahang kampeon ng nasabing karera 2011 at siya Rin ang naging kampeon noong 2015

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Isusuot ni Barnachea ang uniporme para sa koponan ng Scratch It .

Si Lapaza, na siyang 2014 titlist, ay ibabandera naman nng koponan ng Celeste Cycles PH-Devel Project Pro Team habang si Galedo, ang kampeon noong 2012 ay magbabalik para sa 7Eleven Cliqq-Air21 at Roadbike Philippines.

Hindi Naman magpapahuli ang 2018 champion na si Ronald Oranza at ang mga 2016 at 2017 titlist na siJan Paul Morales, na maglalaro para sa Standard Insurance (Navy) kasama sina El Joshua Carino, George Oconer, Ronald Lomotos at John Mark Camingao.

Samantala, ayon kay Ronda Pilipinas chairman na si Moe Chulani, minabuti nila na magkaroon ng all- Filipino race ngayong edisyon na ito upang matulungann ang PhilCycling para sa Olimpiyada.

“The essence of the LBC Ronda Pilipinas really is giving Filipinos, especially the younger ones dreaming to become big in the sports of cycling someday, an avenue for them to make their dreams a reality,” ayon kay sChulani.

“We’re bringing the LBC Ronda Pilipinas back to our countrymen in our 10th anniversary celebration because this is really for them,” aniya.

Ayon kay bagong LBC Ronda Pilipinas executive project director, na si Bernadette Guerrero na kabuuang 11 koponan ang maglalaban para sa 10-stage race na suportado din ng MVP Sports Foundation.

-Annie Abad