Umapela ang mga miyembro ng House Committee on Sports and Youth Development sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Olympic Committee (POC) na suportahan nang husto sa pagsasanay ang mga manlalarong Pinoy na sasabak sa Tokyo Summer Olympics.

Sinabi ni Rep. Eric Martinez (2nd District, Valenzuela City), chairman ng komite at ng mga miyembro nito, sa PSC at POC na malaki ang tsansa na manalo ang Filipino athletes sa darating na 2020 Summer Olympics sa Tokyo kung kaya kailangan ang suporta nila sa training o pagsasanay.

Nakikiusap ang komite sa PSC at POC na siguruhing ang mga atletang Pinoy na naghahangad makuwalipika sa Summer Olympics, tulad nina gymnast Carlos Yulo, weightlifter Hidilyn Diaz, at pole-vaulter Ernest John Orbiena—ay mapagkalooban ng lahat ng kailangan nila sa paghahanda at pagsasanay sa susunod na anim na buwan.

Anila, sina Yulo, Diaz, at Orbiena ay mga potensiyal na winner sa kani-kanilang event.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Bert de Guzman