Maaari nang maging professional at sub-professional ang mga national athletes lalo na ang mga may podium finish sa mga international competitions.

Ito ang naging resulta ng pag-uusapan sa pagitan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez at ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada kahapon sa pagbisita ng huli sa tanggapan ng una.

“With the success of our national athletes in recent competitions, we wanted to honor their achievements and legacy with plans on issuing special eligibility, which will help them in their future endeavours as Filipino citizens,” pahayag ni Atty. Lizada.

Ikinasiya naman nng PSC chief ang inisyatibo na ipinakita ng CSC ukol sa nasabing bagay na ayon sa kanya ay malaking tulong para sa mga atletang Pinoy na maari nanag mabigyan ng pagkakataon na magtrabaho din sa mga tanggapan ng gobyerno.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“We thank the CSC for this initiative in supporting our national athletes. This future development will not only recognize their success, but will also help them as they serve the country through sports, may it be in local government units and the national government”, ani Chairman Ramirez.

Ipinaliwanag ni Ramirez na ang nasabing usapin ay hango sa polisiya ng Republic Act No. 6847 – na kilala din bilang Civil Service Act of 1959.

“The terms and conditions of the agreement are yet to be determined, but we are positive that with special laws and issuance policies from the CSC, our athletes will be granted of eligibility,” ayon pa sa PSC chief.

Nakasaad sa ilalim ng Civil Service Act, Sub-Professional Eligibility na ang isang aplikante ay maaring pumasa sa mga first level positions na gaya ng clerical, trade, at ang custodial service na nangangailangan lamang ng mas mababa sa apat na taon sa kolehiyo.

Habang ang Professional Eligibility, naman ay akma sa first at second level positions gaya ng ga propesyunal, teknikal at scientific position na nangangailangan ng apat na taon sa kolehiyo o higit pa.

Matatandaan na noong nakraang taon lamang nang lumagda din ng Memorandum-of-Agreement si Ramirez kasama ang Social Security System (SSS) upang masiguro ang proteksyon ng mga national athletes at coaches na magiging gabay nila hanggang sa kanilang pagreretiro.

-Annie Abad